BEC Training of Trainors: Diocese of Antipolo

MGA NILALAMAN

MENSAHE/PAGBATI

PAUNANG SALITA/PASASALAMAT ……………………………… i
Pagluluklok ng Biblia ………………………………………………………….ii

Pagpapakilala …………………………………………………………………… .1

PASIUNA (Historical Background) …………………………………… .2

PANGARAP AT MISYON ……………………………………………………… .4

KURA PAROKO BILANG PASTOL………………………………………… .6
(Juan 10:11-15)

PANANAW AT MISYON NG DIYOSESIS NG ANTIPOLO ……. .8

Modyul I – ANG PAKIKIPAGTAGPO KAY KRISTO……………. .9
(Juan 10:30 Ako at ang Ama ay Iisa)

Modyul II – Ministerio ni Kristo na Misyon ng Simbahan .14
(Vatican II Laity: chapter 1 par.2 & chapter no.6)
.
Modyul III – Simbahang Katolika ang Kaganapan NOON
at NGAYON………………………………………………. .19
Pagsilang ng Simbahang Katoliko (Lucas 12:32;18:8)

Modyul IV – Ang Parokya bilang Sambayanan………………. .27
Ano ang Parokya?/Gampanin ng mga Ministries (WESTYVFLA)
Batayan ng Laykong Apostolado (PCP II)

Modyul V – IBA’T – IBANG LARAWAN NG SIMBAHAN…… .35

Modyul VI – Maliliit na Sambayanang Kristiyano……………… .36
Saan nagsimula ang BEC/MSK?
Tatlong Antas ng Pagsulong
Hakbang ng Pagbubuo

Modyul VII-PAGPAPLANO…………………………………………………… .43
Kahulugan/Uri ng Pagpaplano
PROSESO ng Pagpaplano

Minabuti ng Ministri ng Panlipunan at Pantaong Pag-unlad (Ministry of Social & Human Development) ang makagawa ng MODYUL ukol sa Maliliit na Sambayanang Kristiyano (MSK) o Basic Ecclesial Community (BEC), upang maging gabay ng mga “coordinators/leaders” at laykong naglalayon na magbuo ng MSK sa kanilang parokya ( kapitbahay/purok o sitio/barangay) at komunidad. Ang Modyul na ito ay makapagbibigay linaw sa mga tanong ng nais mag-organisa katulad ng: Ano ang MSK? Paano ito mapapasimulan sa kani-kanilang nasasakupan. At Paano ito maibababa sa komunidad?

Pinagbatayan namin ang Modyul na ito sa kasalukuyang pangangailangan ng Diyosesis ng Antipolo.

Pasasalamat

Nais naming magpasalamat sa mga taong naging inspirasyon sa pagbuo ng Modyul na ito, sa “Diocesan Pastoral Team” o Grupong Ubod, sa aming pumanaw na kapatid na si Bro. Rudy S. Peralta, Bro. During Lacampuenga, at Sis. Joy P. Gregorio. Gayundin ang taos pusong pasasalamat sa mga naging Director ng Social Action Center at sa kasalukuyang Director namin na si REV. FR. BIENVENIDO C. MIGUEL, JR. Sa mga BEC liders, coordinators ng Social Service, mga KAPARIAN na patuloy ang pagsuporta sa mga programa ng Ministry of Social & Human Development (Social Action Center).

Ang Staff ng MSHD-Social Action Center ay hangad na maisapanahon ang kasalukuyang kalagayan at kaganapan sa Diyosesis ng Antipolo. Dahil dito, sa biyaya ng Diyos, buong puso kaming nagpapasalamat kay MRS. EMILIE DC. DUAY na siyang nakapag-ambag ng pagsasalibro nito.

i. BASIC ECCLESIAL COMMUNITY (BEC)
PAMBUNGAD

“Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nilikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng Sangkatauhan. Nagliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman. Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. “Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.”
(Juan 1:1-15;14)

AWIT: ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BANSA

Katulad ng mga butil na tinitipon
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din at maging bayan mong giliw.

Koro: // Iisang Panginoon, iisa ang katawan, isang bayan
Isang lahing sa iyo’y nagpupugay.//

Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito may buhay na walang hanggan
Kami nawa’y maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag. Koro.

PANALANGIN
Sa ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. Amen.

O Diyos Ama na lumikha ng lahat, nagpupuri kami at nagpapasalamat dahil sa dakilang araw na ito ng pagtawag mo sa amin.
Panginoon, kinakandili mo ang iyong bayan kahit ito’y lumalayo sa iyo. Itulot mong magkaroon kami ng ganap na pagbabago, upang makasunod kami sa iyo nang buong katapatan. Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon kasama ng Banal na Espiritu at kaisa ng Mahal na Birhen Maria magpasawalang hanggan. Amen.

PRUSISYON: Bulaklak, kandila, krusipiho at Biblia
(Ilalagay sa altar habang umaawit)

AWIT: LET HIM ENTER THE KING OF GLORY
LET HIM ENTER THE KING OF LOVE

ii PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

* Unang Pagbasa mula sa Gawa 2:43-47 Unang Pamayanang Kristiyano
* Mabuting Balita mula kay San Lucas 10:25-27 Ibigin mo ang
Panginoon…

PANALANGIN NG BAYAN
Hinirang ni Hesus ang kanyang mga alagad at isinama niya sila sa kanyang misyon. Idalangin natin ngayon na idulot sa atin ang lakas ng loob upang patuloy tayong manatiling tapat sa mga iniwang gawain ni Kristo para sa sanlibutan.
Ang ating itutugon… Ama, dinggin mo ang iyong bayan.

1. Para sa aming Papa na si Francisco, ang ating Obispo Gabriel V. Reyes, DD, MSHD/SAC Director Rev. Fr. Bienvenido C. Miiguel, Jr. at aming kura paroko na si _____________,kasama ng lahat ng Kaparian , mga PPC/WESTYVFLA/MPC/Samahan/Organisasyon. Tulad ng mga propeta,at mga apostol, maging patotoo nawa sila sa kaligtasang hatid ng Mabuting Balita sa lahat ng panahon, sa kabila ng mga pagsubok, panunuligsa, at malamig na pagtanggap dito. Manalangin tayo…

2. “Mapasaamin ang kaharian mo.” Patnubayan mo ang mga pinuno ng bawa’t bansa, upang maunawaan nila ang kanilang tungkulin na tumulong sa kaganapan ng iyong paghahari sa pamamagitan ng mapayapang pakikipagkasundo at pagtutulungan. Manalangin tayo…

3. Kupkupin mo ang lahat ng mga nahihirapan at salat sa mga pangunahing pangangailangan sa buhay, at bigyan mo sila ng kakanin sa araw-araw. Manalangin tayo…

4. Matutuhan nawa naming lahat na natitipon sa harapan mo, ang hingin ang mga bagay na tunay na mahalaga sa aming buhay – matibay na pananampalataya at bukas-palad na pagtulong sa aming kapwa. Manalangin tayo…

5. Para sa pag-aaral at pagsasanay na ito, puspusin nawa kami ng Banal na Espiritu upang ang lahat naming matutunan ay gamitin namin sa pag-oorganisa ng Maliliit na Sambayanang Kristiyano (MSK) o Basic Ecclesial Community (BEC) sa pamilya, kapitbahayan, sitio, barangay – na kung saan ito ang PAMAMARAAN NG BUHAY o WAY OF LIFE- isang Simbahan/Parokyang buhay, ganap at buo na pinaghaharian nang pag-ibig ng Diyos. Manalangin tayo…

6. Para sa atin pansariling kahilingan at intension, ipanalangin natin ngayon sa Panginoon (saglit na katahimikan)

MANALANGIN TAYO (Lahat)
Ama, ng aming Panginoong Jesus at Ama namin, pakinggan mo ang panalangin ng iyong sambayanan. Tulungan mo kaming tanging larawan mo lamang ang naisin upang higit na maging ganap ang pagpapahayag ng aming pagmamahal sa isa’t isa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon kasama ng Banal na Espiritu Santo kaisa ng Mahal na Birhen Maria magpasawalang hanggan. Amen.
INA NG KAPAYAPAAN AT MABUTING PAGLALAKBAY, Ipanalangin mo kami.
Sa ngalan ng AMA, ANAK, at ESPIRITU SANTO. Amen.

LAYUNIN:

Upang ang mga dumalo ay:
• Magkakilala
• Magkaroon ng palagayang-loob sa bawat isa.
• Makapaglikha ng kapatiran.

GABAY NA TANONG SA PAGBABAHAGINAN:

1. Sino ako?
Pangalan, tirahan, saan nakatira at
Parokya (alamin ang kalagayan niya sa buhay).
2. Ano ang pinakagusto kong katangian sa sarili? At
Bakit?

Ano ang naramdaman ng bawat isa sa paglalahad ng sarili? Nahihiya, natatakot, nasisiyahan, nakokornihan, nasasabik, nagmamadali para matapos na, OK lang o wala lang. Ang bawat isa sa atin ay may iba’t ibang nararamdaman kung tayo’y nagpapakilala, kinikilala, nakikipag-usap o kinakausap ng hindi pamilyar sa atin. Subalit nakita ba natin na ito ay napakahalaga sa ating buhay?

Dahil dito pinasisimulan natin ang gawain sa pag-oorganisa sa kasama natin ngayon,ka-organisasyon, kalugar,ka-sitio, ka-purok at ka-barangay. Mahalaga ito para maging malakas ang ating samahan.. Tayo ay maglalaan mismo ng oras sa pakikinig, pakikipagkuwentuhan ( hindi tsismis). Ang gawaing ito ay hindi matatapos ng isang saglit lamang bagama’t ginawa natin ito ng ilang minuto, upang maranasan natin ang pagsisimula ng gawain ng MSK/BEC.

Pinakatampok ito sa Pakikipamuhay sa mga tao para sila ay magkakilalang mabuti, makita, at maramdaman na sila ay kabilang sa SIMBAHAN/PAROKYA. Dito nakasalalay ang PAGSASABUHAY at PAGBABAHAGI ng SALITA NG DIYOS sa kapwa t

(Historical Background)
Mula noong binuo ang Diyosesis ng Antipolo noong 1983, tumutugon na ito sa mga pangangailangan ng mga nasasakupan nito. Katuwang nito ang Caritas Antipolo. Kasabay nito ay binuo ang “Justice & Peace” (Hustisya at Kapayapaan). Ngunit dahil sa kakulangan ng palagiang taong namamahala, ang “Justice & Peace” ay naging programa ng parokya ng Cainta. Ang mga manggagawa ay binigyan ng mga pag-aaral ukol sa “Genuine Trade Unionism” (GTU) at “Panimulang Araling Pang-Manggagawa” (PAMA). Itong mga pag-aaral ay naging daan upang maunawaan nila ang kanilang mga karapatan, responsibilidad at dignidad sa liwanag ng turo ng Simbahan.

Buhat noon may mga iba pang programa ang napatupad sa Diyosesis. Naglaan ng “Labor Desk” at Tribal Filipinos o ang tawag ngayon ay “Indigenous People”. Ang programa para sa “Urban Poor” ay sumunod ding napatupad sa tulong ng Share & Care Apostolate for Poor Settlers (SCAPS).

Binigyang diin ng “Justice & Peace” ang Maliliit na Sambayanang Kristiyano (BEC). Nagkaroon ng pag-aaral sa MSK/BEC upang mai-organisa ito. Batay sa mga panayam na ginawa ng Assesment at Audit team, maraming natutunan ang mga kalahok sa loob ng apat na buwang pagsasanay. Ngunit dahil sa kakulangan sa pananalapi at suportang moral ng ibang kura paroko at “parish pastoral council” nahirapang magtatag ng MSK/BEC sa bawa’t parokya.
Inumpisahan din ang “auto-repair” at “non-formal skills training shop” sa Antipolo. Ngunit sa kadahilanang napaka mahal ng pag mentena at mataas na bayad sa nagtuturo, ito ay hindi natuloy.

Ang Pangkalusugang Programa ay nailunsad sa ibang parokya hanggang 1988 sa patnubay ng “Catholic Relief Services” (CRS). Noong 1989, ito ay muling binuksan ng CRS sa tawag na “Targeted Maternal & Child Health Program” (TMCHP) sa Diyosesis ng Antipolo, sa unawaang may itatalagang permanenteng mamamahala at ang mga mamamahalang ito ang susubaybay sa programa. Matapos ang isang taon, nagtalaga ng lupon para sa MSK/BEC upang sumubaybay sa mga namumuno ng MSK/BEC.

Noong taong 1991, ang Caritas Antipolo ay pinangalanang Ministri ng Panlipunan at Pantaong Pag-unlad. Sa bagong istruktura, ay higit na pinag-ibayo ng Ministri ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang sangay ng gobyerno at pribadong ahensiya , pati na rin sa iba’t-ibang simbahan. Nagkaroon din ng organisasyon sa Binangonan at ito ay tinawag na MAPALAD KA ( Mamamayan Para sa Lawa, Alay ng Diyos sa Kalikasan).

Ang pangunahing layunin nito ay upang mapakilos ang mga mamamayan at masagip ang lawa ng Laguna, sa patuloy na pagtapon ng mga basura at dumi at makapag-umpisa ng alternatibong pamamaraan upang magkaroon ng ikabubuhay sa paligid ng lawa.

Sa taong 1992, nagkaroon ng pagkampanya ukol sa programa ng “street children” at ito ay napaloob din sa Ministri.

2 Mga Programa at Serbisyo ng Ministri ng Panlipunan at Pantaong Pag-unlad
(Ministry of Social & Human Development/Social Action Center)

1. Pagbubuo ng Komunidad

a) Basic Ecclesial Community (BEC)
b) Pangkabuhayan at Kooperatiba (Livelihood & Cooperatives)
k) Ekolohiya (Ecology)
d) Mga Katutubo (Indigenous People)

2. Pang-unlad at Tulong Serbisyo (Development Assistance Services)

a) Alay Kapwa (Lenten Program)
b) Kawanggawa at Pagpanibagong Ayos na Serbisyo (Relief &
Rehabilitation)
k). Pangkalusugang Kalinga at Nutrisyon (Health Care & Hapag-Asa Integrated
Nutrition Program)
d) Kanlungan ni Maria (Home for the Aged)
e) Bigasan sa Parokya
g) Youth Servant Leaders & Education Program (YSLEP)

3. Hustisya at Kapayapaan

a) Kalinga sa Manggagawa (Labor Desk)
b) Kalinga sa Prisonero (Prisoner’s Apostolate)
k) Migrante at Manggagawang nangingibang bansa (Migrant
& Itinerant People)
d) IP – Indigenous People
e) Ang Pangangalakal sa BATA (Child Trafficking)
g) Kamalayan at Kaalaman sa HIV-AIDS

4. Pangkabuhayan
a) Microcredit
b) SEA-K – Self Employment Assistance – Kaunlaran
k) Home Care Products
d) Bead Works
e) Caritas Salve

3 PANGARAP at MISYON

Makita ang siyam (9) na Bikaryato ng Diyosesis ng Antipolo na binubuo ng animnapu’t apat (64) na parokya na namumuhay sa diwa ng Unang Pamayanang Kristiyano (Maliliit na Sambayanan Kristiyano/Basic Ecclesial Community). Gawa 2:43-47, ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya, Gawa 4:32-35.
Tumugon sa hamon ng Bagong Siglo “Bagong Pagkatao…Bagong Nilikha (Efeso 4:24)
(Acts & Decrees of the First Diocesan Synod)

Nilalayon na maisakatuparan ang tungkol sa Simbahan ng mga Maralita. (PCP II no. 137)

1. Isang Bayang Mala-pari
Nakikiisa ang Maliliit na Sambayanan Kristiyano sa pagdiriwang ng Eukaristiya at
nakikipagtulungan sa mga pari para sa buhay at misyon ng Simbahan. (PCP II,11)

2. Isang Bayang Mala-propeta
Sa pamamagitan ng isang “malalim na pagdama ng pananampalataya” (sensus fidei),
tinatanggap ng Bayan ng Diyos ang Salita ng Diyos na buhay. Kalakip ang tamang
paghatol, dapat malalim nating damhin ito at mas lubos na isabuhay. (PCP II, 119)

3. Isang Bayang Mala-pari
Sa pamamagitan ng paglilingkod kay Kristo sa kapwa, mailalapit natin ang ating mga
Kapatid sa Panginoong Hesus. (PCP II 120)

PCP II thrust in summary:
• Formation of communities of disciples
• In solidarity with the poor
• Engaged in integral evangelization (or total human liberation and development)
__________________________________________________________

PARTIKULAR NA LAYUNIN

1. Malaman ang pinagmulan ng BEC/MSK (Gawa ng mga Apostol); Makapagbigay ng mga pag-aaral, pagsasanay tungkol sa pag-oorganisa ng MSK/BEC sa Parish level.
2. Makapaghubog ng mga lider na may puso sa pag-oorganisa sa mga MPC/komunidad at madagdagan ang MSK/BEC lider na makakasama sa MSHD-BEC Diocesan Core.
3. Matuklasan ang mga kalagayan sa panahon ng Unang Komunidad (Gawa ng mga Apostol) at sa mga Sulat ni San Pablo.
4. Mapag-aralan at mahalaw ang mga Doktrina ng Simbahan:

• Synod of Antipolo
• Catholic Social Teaching (Panlipunang Aral ng Simbahan)
• Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko
• Second Vatical Council II (Vat II)
• Plenary Council of the Philippines (PCP II)
• BEC Bible

4 LAYUNIN NG BAWAT PAKSA

1. Pagbabalik-tanaw sa PANANAW NG DIYOSESIS NG ANTIPOLO.
2. Matuklasan ang mga kalalagayan ng mga propeta kung paano TINAWAG at TUMUGON sa pagpapahayag ng kalooban ng Diyos (O.T.). At ang pagtugon ng UNANG APAT na ALAGAD kasama si Pablo (N.T.).
3. Makasunod sa TAWAG ng PANGINOON na mapag-aralan, mapagnilayan, maisabuhay at maibahagi ang Tatlong (3) MISYON ni KRISTO (Maibalik ang Tao sa Diyos, lalo ang mga dating Katoliko).
4. Malaman ang kahalagahan ng PAROKYA. Ang TEAM WORK (relasyon) ng Pari at ng Layko. Gampanin ng PPC/ MINISTRIES/ MPC/ Samahan at Organization sa paglago ng SIMBAHANG KATOLIKO.
5. Maunawaan ang pinagmulan ng Simbahang Katoliko at mga KAGANAPAN NOON at NGAYON.
6. Magkaroon ng malalim na pang-unawa sa BEC/MSK at ang PAGBUBUO / PAG-OORGANISA nito. (Na nanggaling sa Unang Pamayanan Kristiyano o Gawa ng mga Apostol).
7. Makapagplano sa mga gawain pag-oorganisa at pagbubuo ng BEC/MSK sa MINI PASTORAL COUNCIL CHAPEL/ kapitbahayan, ka-lugar at ka-barangay.

+
SA LOOB NG PITONG (7) BUWAN INAASAHAN NA:

Makapamuhay sa nasasakupang lugar (sitio,street, brgy.) para malaman ang
Kalagayan ng sariling pamayanan. At upang ang dating Katoliko ay maibalik
(sana).

Matuklasan ang iba’t –ibang pamamaraan sa pakikipag-ugnayan sa tao at maihilig
ang sarili sa nilalayon ng PCP II blg. 137: SIMBAHAN NG MGA MARALITA”.

Makapagtatag ng pangkat pastoral na paghubog sa bawat parokya (Parish
Pastoral Team) mula sa hanay ng mga karapatdapat na layko na mangangasiwa
sa pag-aaral, pagsasanay at sa proseso ng pag-oorganisa ng BEC/MSK (PCM II
res. # 28).

Mapanuto sa Biblia at mga katuruan ng Simbahang Katoliko

5 KURA PAROKO BILANG PASTOL (Juan 10:11-15)

PASIMULA:
a. Ano ang pagkakilala mo sa iyong Kura paroko?
b. Ano ang Parish Priest? At ang kanyang function.

Minsan dumalaw ako sa isang Pari na matagal na panahon na naging Kura Paroko ng aming bayan, kami’y nagkawentuhan at nagkumustahan. Sa aking pagtingin siya’y masigla at masipag pa rin tulad ng dati kahit na alam kong siya’y nagkakaedad na. Natatandaan ko noon kung papaano niya hinarap ang problema, ang katatagan at katapatan sa kanyang bokasyon, ito’y isang inspirasyon para sa akin para patuloy na maglingkod sa parokya/simbahan lalo na sa mahihirap. Naalala ko minsan, dumating ang kanyang kaarawan, inimbitahan niya ang mga taong mahihirap. Mahihirap dahil nakatira sa eskuwater, sa tabing ilog sa ilalim ng tulay at iyong mga nasa liblib na lugar o malayo sa simbahan/parokya. At ito’y kanyang pinakain ng masasarap… Napakadali niyang hingan ng tulong lalo na ang mga naghihirap. Paglalagay ng Nutrisyon Program, Kooperatiba, Livelihood, Libreng pag-aaral at ibang pang mga kilusan na makakatulong sa mananampalataya sa aming parokya. Ito ay ilan lamang sa mga gawain na ipinatupad niya sa aming parokya.
Subalit sa aming pag-uusap mayroon akong nakitang lungkot sa kanyang mga mata, sa kadahilanang siya ay nag-iisa na ngayon. Wala na siyang parokya na pinapastulan, parang nawalan siya ng Pamilya; wala na siyang makasalo sa pagkain at wala ng nagkakalinga sa kanya. Kung lilipas na pala ang kanilang kabataan at kalakasan, kung dumating ang panahon na wala na siyang magulang, kapatid at kamag-anak na uuwian. Iniisip ko lang na papaano na sila?

NILALAMAN
PARISH PRIEST
The parish priest is the proper pastor of the parish entrusted to him. He exercises the pastoral care of the community entrusted to him under the authority of the diocesan Bishop, whose ministry of Christ he is called to share, so that for this community he may carry out the offices of teaching, sanctifying and ruling with the cooperation of other priests or deacons and with assistance of lay members of Christ’s faithful, in accordance with law (Can. 519)
“Parish Priests are in a special sense collaborators with the bishop. They are given in a specific section of the diocese, and under the authority of the bishop, the care of souls.”
(First Diocesan Synod No. 328, THE ORDAINED MINISTRIES)
Priests carry out their ministry through sacramental participation in the priestly order, and thus all priests (whether diocesan, religious or guests) should always live and work in hierarchical communion with the Bishop. As Pope John Paul II insists. “The ordained priesthood has a radical communitarian form and can only be carried out as a ‘collective work.’ (PDV no. 17, cf. PO no. 7-9)
(Decree on the Pastoral Office of the Bishop in the Church, Vatican II).

That parish priests be strongly encounraged to intiate, support, and sustain Basic Ecclesial Communities (Synod of Antipolo p169 no. 146)

TATLONG MODELO O KATANGIAN NG KURA PAROKO

Una, Authoritarian – ang Kura Paroko ay kailangan maging makapangyarihan. Sapagkat may mga taong ipinipilit ang kanilang gusto na kahit na mali ay ibig mangyari. Hal. Ang pagpapakasal na wala pa sa hustong gulang. Sa usaping ito kailangan niyang maging makapangyarihan. Sila’y itinalaga ng Obispo sa isang Parokya upang ipatupad ang batas ng Simbahan at sila’y nagdaan sa mahabang pag-aaral at pagsasanay.

6 Ikalawa, Paternal – ang pagiging tatay, sila ang mangunguna, maging masipag, matiyaga at matapat upang sumunod ang mga anak sa mga pagkilos na gagawin.

Ikatlo, Fraternal – ang pagiging magkapatid, pakikinig at pagbabahaginan ng opinyon ukol sa gawain ng Parokya. Ang pagpapastol upang matipon ang lahat ng mananampalataya, IBALIK ANG TAO SA DIYOS, NA IPINAGKATIWALA NG DIYOS SA KANILA.

CONCLUSION
Ordained ministers, the Bishop first of all, and the priests who represent for the faithful and the ecclesial communities which they serve Christ the Head and Shepherd of the Church are the primary agents for the renewal of life in the Gospel and the Spirit which we seek. Bishop, priest, and lay people all share in the one Priesthood of the crucified and risen Lord, but in different ways of participation: the baptized by virtue of the grace-life given by the sacrament of initiation, the ordained by virtue of the sacrament of ordination and the charism and grace that it imparts.

Yet they share but one Priesthood in the Body of Christ, and all these charisms and gifts of the Spirit are given to build up the one community of word and Spirit, the members serving one another, all of them reaching out in mission to the world, to bring all things to the Father’s glory and the fulfillment of his Kingdom. We pray that the community of disciples, working together in faith, hope and love, may hasten, in the Diocese of Antipolo, the coming of thet Kingdom of truth and justice, of freedom, brotherhood and love, in the Spirit who renews the face of the earth.
(cf. Can. 1223, 1224. First Diocesan Synod of Antipolo p96 nos. 374-375)

THE PRIESTHOOD IS A MASTERPIECE OF CHRIST’S DIVINE LOVE, WISDOM AND POWER
CRITICISM OF PRIEST
(OUR LORD’S REVELATION TO MUTTER VOGEL)
“One should NEVER attack a priest, even when he’s in error, rather one should pray and do penance that I’ll grant him My grace again. He alone fully represents Me even if he doesn’t live My example.”
“When a priests falls, we should extend him a helping hand THROUGH PRAYER AND NOT THROUGH ATTACKS! I Myself will be his judge, NO ONE BUT I!” “Whoever VOICES judgment over a priest has voiced it over Me; child never let a Priest be attacked, take up his defense.” “Child, NEVER JUDGE your confessor rather, pray much for him and offer everyday, through the hands of My Blessed Mother, Holy Communion for him.” “Never again accept an out-of-way word about a Priest, and speak no unkind word about them EVEN IF IT WERE TRUE! Every Priest is my Vicar and My heart will be sickened and insulted because of it! If you hear judgment against a priest, pray a Hail Mary.”
“If you see a Priest who celebrates the Holy Mass unworthy, then SAY NOTHING ABOUT HIM, rather, TELL IT TO ME ALONE! I STAND BESIDE HIM ON THE ALTAR!” “Oh pray much for my priests that THEY’LL LOVE PURITY ABOVE ALL, that THEY’LL CELEBRATE THE HOLY SACRIFICE OF THE MASS WITH PURE HANDS AND HEART. Certainly the Holy Mass is one and the same even when it is celebrated by an unworthy priests!”
MARY, QUEEN OF THE CLERGY, PRAY FOR THEM!

PRAYER FOR OUR PRIESTS
Lord Jesus, more than anybody, You love your Priests.
We lift them up to You, because we know in their closeness to You their hearts shall be molded into Yours.
Make Your heart the pattern of theirs. Set them aflame with fire for love of souls. Transform them to
hardened bronze for chastity. But melt them with compassion upon the penitent and the needy. Give them the
heart of a tireless hound to bless, to teach and pardon.
Let Your burning love draw more men to take upon themselves the pattern of your heart that may share this
love of Your heart to those they minister.
O Lord that they may love the life You want to share with them. What a life! Let it be theirs. And Thru them
it shall be ours also. Amen
Mary, Mother of Priests, pray for us.

7.

1. Ibig naming mapabilang sa isang Diyosesis
2. Kung saan ang mga parokya ay binubuo ng mga pamayanan ng mga alagad ni Kristong Muling Nabuhay
3. (Mapangyari sa iba’t-ibang antas ng buklurang pangsimbahan katulad ng pangmag-anak, kapitbahayan, maliliit na pamayanan pangsimbahan (BEC), parokya, bikaryato at Diyosesis).
4. Naliliwanagan ng Salita ng Diyos.
5. At pinalalakas ng Eukaristiya.
6. Kung saan ang mga pari, mga relihiyoso at laiko na nagkakatulong-tulong.
7. Upang makapangyari ng paghahari ng Diyos
8. Sang-ayon sa kanilang tinatanggap na kaloob mula sa Diyos
9. Na tunay na patungo sa iba’t ibang paglilingkuran
10. Tinatag at tinatawag ng Obispo
11. Na ang misyon ni Kristo ay maisabuhay at maibahagi sa
buong pamayanan
12. Isang misyon na kumikilala sa pangkalahatang pag-ibig ng
Diyos at higit na pagkiling sa mga dukha at inaapi.

(Synod of Antipolo no. 22)
8

“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”
(Mt. 10:32-33; Lu12:8-9)

PANIMULA
Ang buong buhay ni Hesus ay isang personal na pagbabahagi. Hindi ninais ng Diyos na iligtas tayo sa pamamagitan ng isang batas kundi sa pakikilahok sa ating buhay. Kaya’t personal siyang nakialam sa paghihirap ng Kanyang bayan sa Ihipto sinamahan Niya ang mga Israelita sa tanda ng ulap at apoy.

At hindi pa ito sapat para sa Diyos. Personal na nakipag-isa ang Diyos sa atin ng isinugo Niya si Hesus bilang taong tulad natin, nakibahagi sa ating mga kahirapan sa araw-araw, nagutom, nauhaw, nagkasakit at namatay. Ang buo Niyang buhay ay pagbibigay Niya ng Kanyang sarili at pagsasakrispisyo. Ibinahagi Niya sa atin ang kayang mga iniisip at ang misteryong Diyos ay ipinahayag sa Kanyang mga salita at gawa. Iniligtas tayo ng Diyos sa pagbabahagi Niya sa atin ng Kanyang anak na si Hesus sa isang ganap, radikal at personal sa paraan: “Kunin ninyo ito at kanin, ito ang aking katawan,…” (Mateo 26:26)
NILALAMAN
Ang “Pakikipagtagpo kay Kristo” ay isang paksang napakahalaga sa buhay ng tao. Kung hindi nakikipagtagpo ang tao sa Diyos ay mawawala ng kabuluhan ang buhay ng bawa’t isa. Sa pakikipagtagpo nagkakaugnay ng tao ang Diyos at nakakapiling ng Diyos ang tao. Bilang mga anak nararapat lamang na ang anak ay nakikipagtagpo sa kanyang ama, Sapagkat matinding kalungkutan at kabiguan ang mararamdaman ng ama para sa kanyang anak kung ito ay malayo at di niya nakakapiling. Isipin ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos at iyan ang totoo,.. (1 Juan 1:1)

Sa pakikipagtagpo nagsisimulang maunawaan ng tao ang PAGMAMAHAL, BANAL na KALOOBAN at PANGARAP NG DIYOS sa sambayanan. At sa patuloy na pakikipagtagpo ay nakakausap ng tao ang Diyos at ang nagiging bunga nito ay nakakaisa ng Diyos ang tao sa kanyang pangarap sa sambayanan.

Ngunit papaanong ang Diyos ay nakakatagpo ng tao? Ang Diyos mismo ang nangunguna at gumagawa ng paraan. Ito ay sa pamamagitan ng PAGTAWAG ng Diyos sa bawat-isa. Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga…….” (Juan 15:16). At sinabi ni Kristo “Marami ang tinatawag ngunit kakaunti lamang ang pinipili”. Kadalasan hindi namamalayan ng tao ang tawag ng Diyos,
kung minsan may kamalayan subalit hindi ito binibigyan ng pansin, sa halip ito ay iniiwasan at ipinagwawalang bahala pa. Kung kaya kakaunti ang PINILI sapagkat kakaunti ang TUMUGON sa mga tinatawag. ( Mateo 22:14)

Sa LUMANG TIPAN: Ang mga Propeta sa Banal na Kasulatan: Mga hinirang ng Diyos upang ipahayag ang kanyang kaisipan at kalooban sa mga tao. Deut. 18:15-19 “…kaya pipili ako ng propetang tulad mo. Sa kanya ko ipasasabi ang ibig kong sabihin sa kanila. Sinumang hindi makinig sa kanya ay mananagot sa akin…”. Halawin natin ang mga kasaysayan kung paano sila TINAWAG at TUMUGON.

9

Ngayon basahin at pagnilayan natin ang naging KALAGAYAN at KARANASAN ng mga Propeta sa panahon nang pagtawag at pagtugon.

Pagtawag at Tugon Jeremias (Jer.1:4-9)

Yahweh……..“Pinili na kita bago ka ipinaglihi upang maging
propeta sa lahat ng bansa”
Jeremias….. “Yahweh, hindi po ako marunong magsalita;
bata pa po ako.:

PAGSUSUGO: Yahweh…. “Huwag mong sabihing bata ka.
Sinusugo kita kaya’t humayo ka. Ipahayag mo sa lahat ang
aking iniuutos sa iyo. Huwag mo silang katakutan pagka’t
ako’y sasaiyo at iingatan kita.”
Pagkatapos, iniunat ni Yahweh ang kanyang bisig, hinipo
ang mga labi ko, at sinabi, “Hayan, ibinibigay ko sa iyo ang
dapat mong sabihin. Ibinibigay ko rin ngayon sa iyo ang
kapangyarihan sa mga bansa’t mga kaharian, sila’y bunutin
at ibagsak at iwasak, ibangon at itatag.

Si propeta Jeremias ay nabuhay noong huling bahagi ng ikapitong siglo at unang bahagi ng ikaanim na siglo B.C. Sa loob ng kanyang mahabang paglilingkod, binabalaan niya ang bayan ng Diyos tungkol sa kapahamakang darating dahil sa pagsamba nila sa mga diyus-diyosan at sa iba pang kasalanan.

Si Jeremias ay isang lalaking may malambot na kalooban at labis na nagmahal sa kanyang mga kababayan. Hindi niya ibig magpahayag ng kahatulan sa kanila bagama’t kinakailangan. Sa maraming bahagi ng aklat niya, inilahad ang mga hirap na kanyang tiniis dahil sa pagkatawag sa kanya ng Diyos na maging propeta. Ang salita ni Yahweh ay parang apoy sa kanyang puso; hindi niya ito masugpo.

Pagtawag at Tugon ni Isaias ( 6:1-9; 6:8)

Nang taong mamatay si Haring Uzias, nakita ko si Yahweh. Nakaupo siya sa isang napakataas na luklukan. Ang laylayan ng kanyang damit ay nakalatag sa buong Templo. May mga serapin sa kanyang ulunan, at bawat isa’y may anim na pakpak. Dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa sa buong katawan, at dalawa ang ginagamit sa paglipad. Wala silang tigil nang kasasabi sa isa’t isa ng ganito: “Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan; Ang kanyang kaningninga’y laganap sa sanlibutan.”
Sa lakas ng kanilang tinig ay nayanig ang pundasyon ng Templo at ang loob nito’y napuno ng usok.
Isaias… “Kawawa ako. Marumi ang aking labi at naninirahan sa piling ng mga taong marurumi rin ang labi. Mapapahamak ako pagkat ako’y isang makasalanang nakakita kay Yahweh, ang Makapangyarihang Hari.”
Pagkatapos, may isang seraping sumipit ng baga sa dambana, at lumipad na patungo sa akin. Ang baga ay idiniit sa aking mga labi, at sinabi: “Wala ka nang sala. Napawi na ang mga kasalanan mo.” Narinig ko ang tinig ni Yahweh,
Yahweh…..”Sino ang aking ipadadala? Sino ang aming susuguin.
Isaias…….”Narito po ako, Ako ang isugo ninyo.
PAGSUSUGO: Yahweh..Humayo ka, sabihin mo sa mga tao: (Pls. read Is.6:9 – 13)

Ang aklat ni Jeremias ay naglalaman ng pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem noong panahon ng paghahari sa Juda nina Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias.

10

Ngunit kung mabigat man ang katayuang politikal ng Kaharian, lalo namang mabigat ang suliraning espirituwal na naghahari sa panahon iyon. Naroon ang kasakiman,
pagkukunwari, at kawalang-katarungan. Naroon din ang kahinaan ng mga namumuno sa Juda, nakipagkasundo sa mga taga-Asyria, at sa kanilang mga diyos-diyusan, at naglagay sa panganib ang kanilang pakikipagkasundo kay Yahweh, na kanilang Diyos.
Sa ganitong sitwasyon, dumating si Isaias at nangaral :
Nakita ni Isaias na hindi lamang ang lakas ng Asyria ang tunay na nagbabanta sa kaharian ng Juda; kundi ang kasalanan at pagsuway at ang kawalan nila ng pagtitiwala sa Diyos.
Sa pamamagitan ng maririing pangungusap at pagkilos ng propeta, ang bayan ay tinawag na mamuhay ng may katuwiran at katarungan. Binabalaan sila na ang di-pagtalima sa Diyos ay tiyak na maghahatid sa kapahamakan at pagkawasak. Hinulaan din ni Isaias ang pag-iiral ng pandaigdig na kapayapaan at ang pagparito ng isang huwarang hari buhat sa lipi ni David.

Pagtawag at Tugon ni Jonas (1:1-10)
Yahweh……..”Pumunta ka sa Ninive, ang malaking lunsod at pangaralan mo ang mga tagaroon sapagkat suko sa langit ang kanilang kasamaan.”
Ang tugon ni Jonas: Sa halip na sumunod, ipinasiya niya na magtago sa Tarsi sapagkat inakala niyang malayo na iyon kay Yahweh. ….
Siya ay inutusan ni Yahweh subalit sa halip na siya ay sumunod, pinagtaguan niya ang Panginoon. Subalit ng maranasan niya na lunukin ng dambuhalang isda at iluwa siya nito naroon ang kanyang pagdarasal at papuri kay Yahweh.
Pagninilay
Ang Aklat ni Jonas ay naiiba sa mga aklat ng mga propeta sa Biblia sapagkat ito’y kuwento ng pakikipagsapalaran ng isang propetang nagtangkang sumuway sa utos ng Diyos. Pinapapunta siya ng Diyos sa Nineve, ang kapitolyo ng malawak na imperyo ng Asyria na mahigpit na kaaway ng Israel. Subalit ayaw ni Jonas sapagkat naniniwala siyang hindi gagawin ng Diyos ang bantang pagwasak sa lunsod na iyon. Gayunpaman, pagkaraan ng sunod-sunod na pangyayari, sumunod siya bagama’t mabigat ang loob. Sa bandang huli ay nagtampo siya nang hindi maganap ang kanyang ipinahayag na pagkawasak ng naturang lunsod.

Paano naman tinawag at tumugon ang mga Apostoles?
(Mt. 4:18-22; Lu 6:13-16; Marcos 6:7-12)

Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita
Niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si
Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko
kayong mga mangingisda ng mga tao.”
Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod
kay Jesus. Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang
magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo sila’y
nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat.
Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang
Kanilang ama, at sumunod kay Jesus.

ANG PAGTAWAG KAY SAULO (Pablo)
“Sino po kayo Panginoon?”
Si Pablo o Saulo naman na dating taga-usig ng mga
Kristiyano ay may magandang hinaharap bilang isang Pariseo
na agad tumugon. ( Gawa 9:1-19)

_________________________________________________

11

*ANG KARANASAN DIN NATIN SA PAKIKIPAGTAGPO KAY KRISTO ANG NAGBIBIGAY SA ATIN NG INSPIRASYON UPANG TAYO NGAYON AY MAGKASAMA-SAMA.

• MGA DAHILAN KUNG WALANG PAKIKIPAGTAGPO KAY KRISTO NA NAGAGANAP SA ISANG TAO.

 Madaling manghina at matukso o madalas makagawa ng pagkakasala.
 Kaunting problema ay nanghihina upang ipagpatuloy ang mga pagkilos at gawain sa Simbahan/parokya.
 Napalitan lang ang pari o wala ng position o dili kaya’y na-intriga lamang ay ayaw na.

• ANO ANG MAAARING MAKATULONG UPANG MAPANATILI ANG PAKIKIPAGTAGPO KO KAY KRISTO?

LIFE TESTIMONY
(PAGBABAHAGI)
“Ang Tawag sa Akin at ang Akin Tugon.”
Paglalahad ng buhay karanasan kung paano NAKATAGPO SI
KRISTO
WORKSHOP / BY GROUPING
PAMAMARAAN SA PALIHAN O WORKSHOP

• Hatiin ang kalahok sa apat o lima depende sa dami ng participants. Bibilang ng 1, 2, 3, 4 hanggang 5. Ang lahat ng numero 1 ay magsama-sama, ganoon din ang numero 2, hangang 5. At ito na ang magiging grupo nila. Kukuha sa grupo ng isang facilitator at isang secretary upang isulat ang mga napagbahaginan ng bawat isa. I-rereport ito sa pangkalahatan (summary lang ang pagkakalahad).
• Sa pagpupulong ng bawat grupo, mahalaga na sila ay pabilog at magkakalapit ang upuan, sapagkat makakatulong ito sa pagpapalagayan ng loob.
• Sisimulan ito ng PANALANGIN at magtatapos sa panalangin.
• Ang bawat isa ay bibigyan ng 5 minuto sa kanilang pagbabahagi.

DALOY NA PAGBABAHAGINAN:
1. Kailan at paano ko nakatagpo si Kristo sa aking buhay?
2. Anu-ano na ang mga bunga/ pagkilos/paglilingkod na naisagawa ko para sa aking PAMILYA, KA-STREET, PUROK, BARANGAY TUNGO SA SIMBAHAN / PAROKYA?

REPORTING by group

12

BAKIT MAHALAGA ANG PERSONAL NA PAGBABAHAGINAN SA ISANG GRUPO?
Ang personal na pagbabahaginan ay lumikha ng pagtitiwala sa pagitan ng mga kasapi sa grupo. Nagbubukas sila ng kalooban nila sa isat’ isa at kanilang natutuklasan na silang lahat ay patuloy na humaharap sa hamon ng kanilang pananampalataya. Natutulungan nito ang grupo na sama –samang lumago sa kanilang pananampalataya at tanggapin ang isa’t isa sa diwa ng pagiging isang pamilya. Kung wala ang pagtitiwalang ito na namamagitan sa mga kasapi ng grupo, wala silang magagawa. Si Hesus na nasa ating gitna ang siyang nagbibigay-daan upang maging posible na magbahaginan at magbukas ng loob sa isa’t isa ang mga kasapi.

PAGBUBUOD AT PAGPAPALALIM

Tayong lahat na naririto ngayon ay nagkaroon ng personal at malalim na pakikipagtagpo kay Kristo. NAKITA, NADAMA, NAKILALA at NARANASAN sa pamamagitan ng ibang tao, sa iba’t ibang sitwasyon, pagkakataon o panahon. Tulad ng mga propeta na tinawag ni Yahweh, nagpatuloy sa pagpapahayag ng Kanyang Kalooban at Kaisipan. IBIG NG DIYOS na ang TAO ay MAGBALIK-LOOB SA KANYA UPANG MAKAPILING NIYA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN.

Inilalarawan ang lubos na paghahari ng Diyos sa kanyang mga nilikha. Ngunit higit sa lahat, inilarawan dito ang Diyos bilang Diyos ng pag-ibig at mahabagin na handang magpatawad at magligtas kahit sa mga kaaway ng kanyang bayan, sa halip na parusahan at puksain sila.

HERE, I AM LORD
1, the Lord of sea and sky, I have heard my people cry
All who dwell in dark and sin
My hand will save. I who made the stars of night,
I will make their darkness bright.
Who will bear My light to them? Whom shall I send?

Ref. Here I am, Lord. It is I, Lord?
I have heard you calling in the night.
I will go, Lord, if You lead me
I will hold Your people in my heart.

I the Lord of snow and rain, I have borne My people pain.
I have wept for love of them.
They turn away. I will break their hearts of stone
Give them hearts for love alone.
I will speak My word to them. Whom shall I sent? (Ref.)
I, the Lord of wind and flame, I will tend the poor and lame.
I will set a feast for them.
My hand will save.
Finest bread I will provide till their hearts be satisfied.
I will give My life to them. Whom shall I send? (Ref.)

13

“Na bagamat siya’y Diyos, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan,…” Filipos 2:6-7

1. Panimula
Ano ba ang pangarap ng Ama? Na TAYONG LAHAT ay MAKASAMA sa KANYANG KAHARIAN. Kaya’t ipinadala niya ang kanyang Bugtong na Anak na si JESUKRISTO.

Ang pagbabalik ng tao sa Diyos ay ginawa ni Kristo sa pamamagitan ng PAGSASAKATAWANG TAO ng ANAK ng DIYOS (Juan 1: 14) “Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.”

Bilang tao si Kristo ay ISINILANG (Lc.2:5:7;Mt.1:18-25). Sa loob ng halos tatlumpong taon ay namuhay si Jesus ng matahimik. Halos wala tayong nalalamang mga pangyayari tungkol sa kanyang kabataan maliban sa pagkadala sa kanya sa templo, ang pagdalaw ng mga Mago, at pagtakas ng kanyang pamilya sa Ehipto upang maligtas si Jesus sa mga kampon ni Herodes; ang pagbabalik ng banal na pamilya sa Nazaret pagkamatay ni Herodes; ang pagpunta ng tatlo sa Jerusalem upang sumamba sa panahon ng Paskwa; ang pagkawala at paghanap kay Jesus at ang pagbalik niya sa Nazaret na kasama ng kanyang mga magulang.
Nasayang ba ang mga taon na ito? Hindi. Ito ang mga taon ng paghahanda para sa kanyang gaganaping misyon. Kinailangang hintayin ni Jesus ang takdang panahon. Ang kanyang Ama ang nagtatakda ng panahon.

14

Ngunit bagama’t matahimik at tago sa atin ang bahaging ito ng kanyang buhay, ito ay para rin sa ating kaligtasan. Tagapagligtas na natin noon si Jesus. Mula dito ay matatanto natin na pati na ang mga gawain nating pangkaraniwan, pang-araw-araw at di
kapansin-pansin ay makatutulong rin sa pagliligtas ng sangkatauhan. Hindi kinakailangang tayo ay maging mabongga para maging mabunga.

II. ANG MINISTERIO NI KRISTO
Ang Simula ng Paglilingkod ni Jesus sa Galilea
Nang mabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea. Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan kundi sa bayan ng Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at Neftali. (Mt. 4:12) Pinasimulan niya ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng binyag ni Juan Bautista. Pagkatapos ng binyag ay binabaan Siya ng Espiritu Santo at kinilala siya ng Ama bilang kanyang Anak. (Lucas. 3:21-22).

Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.” (Mt. 4:17)

Ipinangaral niya ang paghahari ng Diyos (cf. Mt. 4:23) at pinarating ito sa ating piling sa pamamagitan ng kanyang sarili, ng kanyang mga salita at ng kanyang mga gawa. Sinabi niyang siya ay naparito upang maghatid ng Mabuting Balita sa mga dukha (Lc. 4:18). At ito nga ang kanyang ginawa. Binigyan niya ng paningin ang mga bulag, pinalakad ang mga pilay, pinagaling ang mga ketongin, at binuhay ang mg patay (Lc. 7:21-22). Kabutihan ang kanyang ginawa at pinalaya niya ang mga tao sa kapangyarihan ng demonyo (Gawa 10:38). Siya ay naging kaibigan ng mga binabale-wala, ng mga dukha at mga makasalanan.

Tinuruan niya ang mga tao na unahin sa lahat ang paghahari ng Diyos at ang Kanyang pagliligtas (Mt. 6:33). Naging halimbawa siya ng pagdalangin (cf. Lc. 6:12) Binigyan niya ng diin ang pagsunod sa Diyos mula sa ating kalooban (Mt. 5:20-48). Pinagtambal niya ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa tao (Mt. 22:24-40; Lc.10:25-28). Tinuruan niya tayong umibig sa ating mga kaaway at ipanalangin ang mga gumagawa ng masama sa atin. Tinanggihan niya ang karahasan laban sa tao (Lc. 6:27-29).
III. PAKIKIPAGTAGPO NG MGA ALAGAD KAY HESUS SA
PAMAMAGITAN NG MGA PANGANGARAL AT HIMALA

A. Mga Himala
1 .Ang Pagpapakain sa Limanlibo
Lu. 9:1017; Mt. 14:13-21; Mc 6:30-44;Jn6:1-14
2. Ang Sermon sa Bundok : Ang mga Mapapalad
Mt. 5:3-12; Lu. 6:20-23
3. Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
Mc. 6:45-52; Mt 14:22-33; Jn 6:15-21
4. Ang Pagbabagong –anyo ni Jesus
Lu. 9:28-36; Mt. 17:1-8; Mc.9:2-8
5. Ang Unang Himala ni Jesus :Kasalan sa Cana
Jn 2:1-9
6. Sagana ang aanihin…
Mt. 9:35-38

15

B.“ENCOUNTER” O ‘PAGTATAGPO”
a. Isang mapagpalayang pagtatagpo: Lucas 19:1-10: Zaqueo
b. Isang di-inaasahang pagtatagpo: Lucas 7:36-50: Si Jesus sa tahanan ni Simon.
c. Ang tinanggihang pagtatagpo: Marcos 6:1-6: Si Jesus sa Nazaret
d. Ang mapag-anyayang pagtatagpo: Marcos 10:17-22: Si Jesus at ang lalaking mayaman.
e. Ang nagpapalakas na pagtatagpo: Lucas 24:13-35: Sa Emmaus. (BEC Community Bible)

IV. ANG TATLONG BAHAGI NG MISYON NI KRISTO

Binuo tayo ni Kristo bilang isang bayang mala-pari, mala-propeta, at mala-hari. Upang magampanan natin ang ating misyon saan man tayo isugo ng Panginoon, pinagkalooban Niya tayo ng pakikibahagi sa sarili Niyang misyon na may tatlong bahagi.
(PCP II 116)
a) Isang Bayang Mala-pari

Nakikibahagi sa mala-paring dangal ni Kristo ang lahat ng mga binyagan. Binuo tayo ni Kristo sa pagiging “isang kaharian, mga pari ng Kanyang Diyos at Ama”. Bilang mga mananampalataya, nararapat na ialay natin ang ating mga sarili bilang isang handog, buhay, banal, at kalugud-lugod sa Diyos. Pinupuri ang Diyos at sumasaksi kay Kristo. Naisasagawa natin ang ating pagkapari “sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga sakramento, pananalangin, at pagbibigay-pasasalamat, sa pamamagitan ng pagbibigay-saksi ng isang buhay na banal, ng pagtatakwil sa sariling kalooban, at ng aktibong pag-ibig.” Isinasakatuparan natin ito sa paghahandog ng Eukaristiya.
(Pahayag 1:6; sumangguni sa 5:9-10; Roma 12:1; LG 10;) (PCP II 117)

b)Isang Bayang Mala-propeta

Kailangan nating ibahagi ang Salita ng Diyos sa isa’t isa, pagkatapos ay sa ibang hindi pa nakaririnig o nakatatanggap nito. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng ating buhay na pagsaksi kay Kristo at sa pamamagitan ng ating mga salita. Sa ating Iglesia, mayroong mga tagapangaral na dapat sundin, ang papa at ang mga obispo. Kakayahan nila ang magpaliwanag nang may kapangyarihan, at kung minsan (sa natatanging mga kondisyon) walang pagkakamali, ang Salita ng Diyos. Subalit lahat tayong mga mananampaataya, sa pamamagitan ng ating mga buhay, asal, pagsaksi, at pangangaral ay maaari ring maghatid ng Salita ng Diyos sa iba. (PCP II 120)

k) Isang Bayang Mala-hari

Tinanggap ng Bayan ng Diyos mula kay Kristo ang kapangyarihan lumupig sa paghahari ng kasalanan. Sa pamamagitan ng paglilingkod kay Kristo sa kapwa, mailalapit natin ang ating mga kapatid sa Panginoong Hesus— Siya na sa ating paglilingkod sa Kanya, tayo ay naghahari na rin… Ang maging hari ay ang magministeryo, ang maging hari ay ang maglingkod. (PCP II 121)
Dahil sa kanyang pagsunod hanggang kamatayan (cf Fil 2:8-9) ipinagkaloob ni Kristo sa kanyang mga alagad ang kaloob ng kalayaang maka-hari “upang lupigin sa kanilang sarili, sa paraan ng sariling pagtatakwil at isang banal na pamumuhay, ang kaharian ng kasalanan” (LG 36). “Kaya nga ang lahat ng laiko, na dakilang kinasihan ng mga kaloob ay saksi at kasangkapang buhay ng misyon ng Simbahan ayon sa sukat ng kaloob ni Kristo (LG 33).
Kinuha niya ang palanggana at hinugasan ang mga paa ng kanyang mga alagad. “…ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.” (Mt. 20:26-28) At sinumulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at pinunasan ng tuwalyang nakabigkis …(Jn 13:4-5)

16

V. Pagkatatag ng Simbahang Katoliko

Itinatag ni Kristo ang kanyang Simbahan upang ipagpatuloy ang kanyang mapanligtas na misyon sa daigdig. “Ang Simbahan, na biniyayaan ng mga kaloob ng kanyang Tagapagtatag, ay tumanggap ng misyong ipahayag at itaguyod sa lahat ng mga tao ang Kaharian ni Kristo at ng Diyos” (L.G.). Ang ‘misyong’ ito ay nasalig sa kanyang katangiang-likas na nagmumula sa Banal na Santatlo. Dumadaloy ang misyong ito mula sa Simbahan bilang “Sakramento ng kaligtasan,” ang tanda at instrumento para sa pagtatamo ng matalik na pakikipag-isa sa Diyos (AG, 5; LG, 1). (Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko 1421)
Samakatuwid ang Simbahan ay:
• Mayroong, misyong iniutos (Mt 28:19-20)
• Na nagmumula at humahantong sa Banal na Santatlo (AG, 2);
• Sa pag-gaganyak ng pag-ibig ng Diyos (2 Cor. 5:14); at
• Kasama ang Espiritu Santo bilang Pangunahing Tagapagpaganap (Rmi., CCC, 849-56).

VI. Inilarawan sa PCP II: Simbahan ng mga Dukha

Ang Simbahan bilang “Isang Pamayanang nasa Misyon” (PCP II, 102-6). Dahil nasa sentro ng pag-iral ng Simbahan ang misyon, ang buong Simbahan ay misyonero. Nangangahulugan ito na “misynonero tayo, higit sa lahat, dahil sa kung ano tayo bilang Simbahan… kahit bago pa tayo maging mga misyonero sa salita o gawa” (RM., 23); CCC 1414).
Ang misyong ito ay nangangailangan ng pagbabalanse ng napakahalagang inkulturasyon ng Pananamapalataya sa kulturang Pilipino at ang misyon sa lahat ng tao, o ang pandaigdigang pagtulong sa Simbahan. Tinatalakay nang malawak ng PCP II kung paano dapat maging “Simbahan ng mga Dukha” ang Simbahan sa Pilipinas ngayon. Tinutukoy nito ang isang simbahan na:

• Tumatanggap at nagsasabuhay sa diwa ng Ebanghelyo tungkol sa pagiging dukha; na pinagsasama ang di-pagkakatali sa mga aring-yaman sa malalim na pagtitiwala sa Panginoon;
• Nagpapakita ng isang natatanging pag-ibig isang pag-ibig ng pagtatangi para sa mga dukha;
• Hindi nagtatangi laban sa mga maralita dahil sa kanilang karukhaan, kundi ipinagtatangol ang kanilang karapatan;
• Nagbibigay ng tanging pagpansin at oras sa mga dukha;
• Mayroong mga Pastol at mga pinunong matututong makiisa, makisama sa gawain, at matuto mula sa mga dukha;
• Hindi lamang nagpapahayag ng Ebanghelyo sa mga dukha, kundi kumikilala na ang mga dukha mismo ang magiging mga tunay na tagapagphayag ng Ebanghelyo;
• Itinutuon at ikinikiling ang sentro ng buong pamayanan sa panig ng mga nangangailangan (PCP 1, 125-36).

VII. ANG PAGTUGON AT PAGKILOS NG KRISTIYANO NGAYON SA PAGPAPATULOY NG MISYON NI KRISTO.

a. Ang PANANAMPALATAYA NOON araw ay maiguguhit natin ng ganito:

990 90% Faith
10% Material

17

b. Ang PANANAMPALATAYA NGAYON ay maiguguhit naman natin ng ganito:

10% Faith

50% Trabaho

20% Kaibigan/Barkada
10% Bisyo

10% Mall

Sapagkat ang sentro ng ating buhay ay nasa:

• trabaho (pagkita ng maraming pera at walang contentment sa buhay). Hal. kapag nakabili ng colored TV, bibili naman VHS pagkatapos VCD o pag di pa nakuntento magpapakabit ng Cable at kung anu-ano na gustong bilhin na di naman masyadong kailangan.
• bisyo; barkada, sugal o chat sa internet/e-mail, text o sa telepono
• kapaligiran; naglalakihan mga mall at panoorin.

VIII. Kaya sinasabing ang pagtugon at pagkilos ng mga Kristiyano ngayon ay MALAYO PA sa pakikibahagi sa Misyon ng Simbahan sapagkat:

1. Maraming KRISTIYANONG NAMUMUNO ay matatawag natin “disposable” sapagkat minsan siyang na-intriga, na-by-pass sasabihin mag-reresign na o kayo-kayo na lang o kaya’y magpapahinga muna. Parang opisina na kailangan mag-resign. Ang paglilingkod ay di kailangan ang pagreresign at pahinga. (R.I.P. ang pagtanggap sa Diyos).

2. Maraming KRISTIYANO na dahil sa kanilang kaabalahan sa buhay, ang pakikipag-ugnayan kay Kristo ay ihahanap pa ng oras upang mabigyan pansin ang Diyos.

3. Maraming KRISTIYANO ngayon pag-umulan lang ayaw ng magsimba (sasabihin saka na lang).

4. Maraming kasapi sa Samahan/Kilusan na dahil lamang sa uniporme at pagporma kaya sila ay nagiging aktibo.

5. Maraming KRISTIYANO ngayon na kapag napalitaan ang KURA PAROKO ay umaayaw sa mga gawain.

Mga Ministeryo sa Simbahan

1420. Ang Misyon ng Simbahan ay nagpasibol ng maraming ministeryo sa loob ng Simbahan (LG, 18: CCC, 874). Ang “ministeryo” ay nangangahulugang “paglilingkod,” at ang ministeryong maka-Kristiyano ay tumutukoy sa “paglilingkod sa bayan ng Diyos.”

Sa pinakamalawak na kahulugan, ang ministeryo ay hindi tanging karapatan ng iilan kundi bokasyon ng lahat ng binyagan bilang mga Kristiyano.

18

“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.”
(Mateo 16:18)
I. Pagsilang ng Simbahang Katoliko

Ang Simbahan ay “Katoliko” mula pa noong araw ng Pentekostes” nang unang naipakita ang pagkakaisa ng lahat ng bayan sa pagka-katoliko ng Pananampalataya na natamo ng Simbahan sa Bagong Tipan, isang Simbahang nagsasalita ng lahat ng wika, at mapagmahal na umuunawa at tumatanggap ng lahat ng wika” (AG, 4). Magiging katoliko pa rin ang Simbahan kahit na sa huling araw, siya ay “maliit na kawan” lamang. (Lucas 12:32;18:8)

Larawan ng Simbahan

II. Simbahan Katoliko

Ang Simbahang Katoliko ay sambayanan ng mga tao na nagkakaisa kay Kristo at ginagabayan ng
Espiritu Santo, sa pamumuno ng kahalili ni Pedro at ng mga Obispong nakikiisa sa kanya. Sa gayon, “patuloy silang tumatahak patungo sa Kaharian ng ama bilang tagapagdala ng pahayag ng kaligtasang ukol sa lahat (GS, 1.) Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko

A. Ang Simbahan bilang Misteryo
1356. Ang sang-ayunan ang Simbahan bilang misteryo ay nangangahulugan na, una, isa itong “katotohanang pinuspus ng nakatagong presensiya ng Diyos… laging bukas sa bago at higit na malalim na pagsasaliksik”
(Pablo VI sa Pagbubukas ng Ikalawang Sesyon ng Vaticano II.)
B. Ang Simbahan bilang Sakramento
1366. ..”Dahil sa kanyang kaugnayan kay Kristo, ang Simbahan ay parehong isang sakramental na tanda at isang instrumento ng matalik na pakikipag-ugnayan sa Diyos, at ng pagkakaisa ng buong sangkatauhan” (GS 42; LG 1) Kaya ginawa ni Kristo ang Simbahan bilang mabisang tanda at simbolo ng:
1. ating pakikipag-ugnay sa Diyos;
2. ang pagkakaisa ng mga tao;
3. at ng kaligtasan
III. APAT NA KATANGIAN NG SIMBAHAN KATOLIKA

1391. 1. Ang Simbahan ay IISA
Una, mula sa kanyang pinakabukal, ang Iisang buhay na Diyos sa tatlong Persona. “Nagniningning ang Simbahan bilang “isang bayan na pinagbuklod sa pagkakaisa ng Ama, Anak, at Espiritu Santo” (LG 4.).
Ikalawa, ang Simbahan ay iisa sa kanyang tagapagtatag si Jesukristo.

1397. 2. Ang Simbahan ay BANAL
Una, dahil “minahal ni Kristo ang Simbahan bilang kanyang kabiyak at ibinigay niya ang kanyang sarili para dito, upang gawin itong banal.
Ikalawa, dahil binibiyayaan siya ng Espiritu Santo ng may kaganapan ng pamamaraan ng kaligtasan at kabanalan.(Pag-ibig, sentro ng kabanalan)

19

1401.3. Ang Simbahan ay KATOLIKO
Ang salitang “katoliko” dito ay nangangahulugang pandaigdig, ganap, at sumasakop sa lahat.
Una, laganap ang Simbahan sa buong daigdig, ipinadala sa lahat ng bayan.
Ikalawa, dahil siya’y pinagkalooban ng “kaganapan ng pamamaraan para sa kaligtasan,” ipinahahayag niya sa
lahat ang ganap at tunay na pananampalataya (AG 6: CCC 830).

1407. Ang Simbahan bilang APOSTOLIKA
“Apostolika” ang Simbahan sa tatlong pangunahing paraan:
Una, dahil isinalig siya ni Kristo nang pirmihan sa “saligan ng mga apostol”
(Ef 2:20)
Ikalawa, dahil binabantayan ng Simbahan at ipinapasa ang aral
at patotoo ng mga apostol (Mateo 28: 19-20)

Ikatlo, patuloy na tinuturuan, pinababanal, at ginagabayan ng mga apostol ang Simbahan
sa pamamagitan ng kanilang mga kahalili (CCC 857-60)

IV. MGA KAGANAPAN / PAGDIRIWANG SA BUONG DAIGDIG
ARCHDIOCESE / DIOCESE

• 1962-1965 -Vatican II o Ikalawang Konsilyo Batikano –
Tinatawag na Pangalawang Pentekostes – Tema: “ Si Kristo ang Liwanag ng Mundo”.
Ang pagbuga ng Hangin ng Espiritu Santo. Binigyang pansin ang papel ng mga layko ng
Simbahan sa pagpapanibago ng misyon sa makabagong panahon.

• 1987 – SINUDO NG LAYKO, PUNO NG KARISMA
Sinudo – Kapulungan ng mga Obispo, Kaparian, Relihiyoso at Layko sa Pilipinas
upang maisakatuparan ang mga napag- usapan sa Vatican II sa pagpapalakas ng mga gawain ng
layko “NAGLILINGKOD SA SIMBAHAN NG MARALITA” (1 Cor 12:4 1 Cor 12:12)

The Position Paper on the Laity submitted by the CBCP to the 1987 Synod of Bishop lays down the ff. elements as necessary for lay spirituality:
“A genuine love for and personal commitment to Jesus Christ, love for the church; fidelity to her teachings and respect for their pastors; dedication to their families and to the apostolate of the family; love for neighbor, especially the poor and those in need; faith that does justice by dedicating themselves to the promotion of justice with involvement in the socio-politico-economic problems of the society where they live; regular reception of the sacraments and certain practices of devotion, especially in honor of the Blessed Virgin Mary.”
(Acts & Decrees of Diocesan Synod Nos. 473 & 474)

• 1991 – PCP II o PLENARY COUNCIL OF THE PHILIPPINES II
(Ika-20 ng Enero – ika-17 ng Pebrero 1991)
Tema: PAGKAISAHIN ANG LAHAT NG BAGAY KAY KRISTO/Ituon ang lahat kay Kristo”
(Efeso 1:10)
Kapulungan ng mga Obispo, kaparian, madre, relihiyoso at mga lider layko sa buong Pilipinas. Masusing pinag-aralan ang angkop na pagpapanibago sa Simbahan sa Pilipinas na maging Simbahang ng Maralita.

PCP II, tayo ay tinawag ng Espiritu upang maging pamayanan ng makabagong alagad ni Kristo at sa gayon ay makilahok sa bagong ebanghelisasyon sa ating bansa at sa mga karatig-bansa sa Asya, maging tunay na Simbahan na pumapanig sa nahihirapan sa buhay. Ang PCP II ay isang masidhing paghikayat sa lahat, lalo na sa mga laiko, na “ipahayag sa mundo ang Kanyang pag-ibig” Idiniin din nito ang lubos na pakikiisa ng mga laiko sa buhay at misyon ng Simbahan at ng lipunang sibil.

Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines: Sa ikalawang bahagi ng PCP II, PAGLALAYON SA ISANG SIMBAHANG PINAGPANIBAGO

20

PCP II thrust in summary:
- Formation of communities of disciples
- in solidarity with the poor
- engaged in integral evangelization (or total human liberation and development)

• 1993- ACTS AND DECREES of the FIRST DIOCESAN SYNOD of ANTIPOLO
Theme: Pagtugon sa hamon ng Bagong Siglo” and motto “ Bagong Pagkatao…Bagong Nilikha
(Efeso 4:24)
We recall the three Antipolo Diocesan Consultations during the previous years, the Vision: a
“Community of Disciples of the Risen Christ.” And to be more specific, the special goal is to belong to
the Diocese of Antipolo.

With all these considerations especially as a follow-up to the three Diocesan Consultations, to better
preach the Word of God, to walk in the footstep of PCP II, and for the realization of renewal in our local
Church. Hereby decree and promulgate the holding of a Diocesan Synod, on February 22-27, 1993 and
one year celebration of the tenth year foundation of the Diocese of Antipolo.

• 1995 – WORLD YOUTH DAY (Aug 1-15)
Tema: As God sent me, I will sent you” (Juan 20:21)
Ang pagdalaw ng Santo Papa Juan Pablo II sa Pilipinas para sa World Youth Day noong Enero 11-15,
1995 ay nag-udyok sa milyun-milyong Kabataang sabik na lumusong at ipahayag ang kanyang pag-ibig
sa buong mundo.

• 1995 – PROVINCIAL COUNCIL OF MANILA (PCM II)
Ikalawang Panlalawigang Konsilyo ng Mayanila
Tema: “Go Make Disciples….” (Mateo 28:19)

Titulo: Pangkalahatang Resolusyon : Resolusyon Blg. 5
Sapagkat ang pakikisangkot ng mga layko sa ebanghelisasyon ay isa sa mga pangunahing layunin ng PCM II, at dahil sa nakikitang kagandahan at tulong na naibibigay ng BASIC ECCLESIAL COMMUNITIES o BECs na binubuo ng iba’t ibang mga pamilya, na nagiging mainam na hubugin at pamumula ng pakikilahok ng mga layko dapat sikapin na maituro, mapalaganap o mapalawak ang programa ng BEC sa bawat Diyosesis at Vicariato Apostoliko na sakop ng Lalawigan ng Maynila maging sa mga antas ng mga parokya.

21

• RESOLUTIONS of the FIFTH NATIONAL EUCHARISTIC CONGRESS
Theme: “The Eucharist and Freedom”

KAILAN INIHAYAG ANG Jubileo?
Noong ika-10 Nobyembre 1994 ipinahayag ng Santo Papa Juan Pablo II ang Apostolikong Liham na Tertio Milenyo Adviniente, (Paghahanda sa Pagsapit ng Ikatlong Milenyo).

Kailan nagsimula ang Jubileo?
• Simula ng kaugaliang pagdiriwang ng Jubileo ay nakasulat sa Lumang Tipan (Levitico 25: 1-22).
• Noong panahon ni Moises, ang Jubileo ay ipinagdiriwang tuwing ika-pitong taon, ang batas ni Moises ay nagsaad na: ang mga alipin ay pinalalaya, ang lupa ay pinapahinga ng isang taon at ang mga utang ay pinatatawad.
• Maliban sa ika-pitong taon, ang Jubileo ay ipinagdiriwang din tuwing ika-50 taon na may higit na karangalan at kataimtiman.
• 1300: ang unang karaniwang Jubileo o banal na Taon ay itinakda ng Papa Bonifacio VII na ipinagdiwang tuwing ika-100 taon.
• 1345: Si Papa Clemente VI ay nagtakda na ang Jubileo ay ipagdiriwang tuwing ika-50 na taon.
• 1470: si Papa Pablo II ang nagtakda na ang Jubileo ay ipagdiriwang tuwing ika-25 na taon na siya nating sinusunod ngayon.

AGENDA FOR THE GREAT JUBILEE OF REDEMPTION
Implementing Tertio Millenio Adveniente (TMA) and the PCP II

1997 1998 1999 2000
FOCUS
JESUS CHRIST
HOLY SPIRIT GOD the FATHER BLESSED TRINITY
Theological Virtues FAITH HOPE CHARITY UNITY and PEACE
Sacrament BAPTISM CONFIRMATION RECONCILIATION EUCHARIST
Mary, as Model Divine Motherhood
Model of Faith Docile to the Holy Spirit
Woman of Hope Obedient to the Father
Model of Love Consecrated for the Work of Redemption
Thrust of Evangelization CATECHESIS
(Vat II Dei Verbum &
Sacrosantum Concilium
Worship
Social Apostolate Catechesis
WORSHIP
(Vat II Lumen G)
Social Apostolate Catechesis
Worship
SOCIAL APOSTOLATE
(Vat II G et S) WITNESSING OF FAITH
“Strengthening of Faith and of the Witness of Christians”
(Vat II Ad Gentes & Paul VIs Ecclesiam Suam)
Vision Forming Community of Disciples
(PCP II 3 87 to 121)
Church of the Home
Church of the Poor Community of Disciples
Building the Church of the Home
(PCP II nos. 574-594)
Church of the Poor Community of Disciple
Church of the Home
Becoming the Church of the Poor
(PCP II nos. 122-136) To establish the Kingdom of God on Earth
(PCP II nos. 581,650-651
“Mary Your Kingdom Come”
Mission
Renewed Integral Evangelization Renewal of the Moral and
Spiritual Order Renewal of the Political and Cultural Order Renewal of the Social and Economic Order Renewed and Transformed Society

Ano ang Jubileo?
• Ang Taong Jubileo ay isang dakila at banal na kaugalian ng pagdiriwang sa simbahang Katoliko.
• Ang salitang “Jubileo” ay nagpapahiwatig ng kagalakan
• Tanging panahon na itinakda ng Papa na pinagkakalooban ng natatanging pagpapatawad ( o indulhensiya) sa mga Kristiyano.

LAYUNIN ng JUBILEO
Ang pagpapaalab ng pananampalataya at ng pagsaksi ng mga Kristiyano. Kaya naman, kinakailangang pukawin sa lahat ng mga mananampalataya ang tunay na pagnanasa sa kabanalan, isang masidhing paghahangad ng pagbabalik-loob at pansariling pagbabago sa larangan na may marubdob na panalangin at pakikipag-isa sa kapwa lalung-lalo sa yaong higit na mga nangangailangan.”

22

• 2000 – PCP II EVALUATION & ASSESMENT (October 26 & 27)

Nagkaroon ng assesment ang buong Diocesan kasama ng Obispo, Kaparian at mga laykong namumuno katulad ng Council of the Laity of Antipolo (CLAN).
Nakita sa evaluation ng ginanap sa St. Michael Retreat House, Antipolo ang mga resulta ng pagsasakatuparan ng mga Dekreto ng PCP II at ng Sinudo ng Antipolo. Bagamat marami pang parokya ang hindi nakatutugon sa SIMBAHAN NG MARALITA na siyang Thrust ng Simbahan sa ngayon. Ang hamon ngayon sa lahat simulan muli ang pagpapatupad kung mayroon na pagningasin ito at makita sa bawat isa ang pagbabago.

• 2001(Jan.) – NATIONAL PASTORAL CONSULTATION on CHURCH RENEWAL
THEME: Masdan Mo Binago ang Lahat ng Bagay (Rev. 21:5)

Blg. 3. Ang pinaka layunin at misyon ng PCP II ay nagpapahayag ng ganitong regalo ng pagiging bago. Ang regalong ito ay tinatawagan tayong magbalik-loob at magkaroon ng malalim na pananampalataya (cf Mk 1:15). Kailangan talikdan na natin ang ating lumang pagkatao, ang “mamatay” sa ating mga sarili at mahamon sa ating bagong pamumuhay. (cf. Col 3:9-10, Ef. 4:22-24).

Blg. 5. Sa ating Simbahan maraming panukala sa PCP II ang hindi nakatamo ng kaganapan dahil sa maraming dahilan. Ngunit ang pinaka-ugat nito ay ang katigasan ng ating mga puso at ang pagtanggi na magbago.

Blg. 7. Mga Pangunahing Pampastoral
Bawat isa nito ay nananawagan sa isang radical na pagbabago ng kaisipan at damdamin, ng isip at puso. Ang pinaka-una dito’y nangangailangan ng malalimang panalangin at pakikiisa kay Kristo. Lalo na sa Banal na Eukaristiya.
9 na Pangunahing Gawain Pampastoral:

1. Paghubog ng isang pananampalatayang buo.
2. Pagpapalakas para sa mga layko tungo sa pagbabagong-ayon ng lipunan.
3. Aktibong presensiya at pakikilahok ng mga mahihirap sa simbahan..
4. Ang pamilya bilang pinaka-sentro ng pagpapahayag ng Mabuting Balita.
5. Pagbubuo at pagpapatatag na lumahok ang mga mamamayan na bumubuo sa parokya bilang isang komunidad (BEC).
6. Ang buong pagpapanibago para sa mga kleriko.
7. Paglalakbay kasama ang kabataan.
8. Ekumunismo at pakikipag-ugnayan sa ibang denominasyon.
9. Pagpapasigla at paghubog para sa Misyon “Ad Gentes”

• 2001 – NATIONAL CONGRESS on the LAITY: (Duc in Altum) Put Out into the Deep For a Mission of LOVE & SERVICE :
(June 28-30, 2001 PICC)
Duc in altum “Ihulog mo sa kailaliman” (Lk 5:6). Inaanyayahan ni Hesus si Pedro. Nangisda na noon si Pedro ng buong magdamag ngunit wala siyang nahuli isa man, gayunpaman sa isang salita ni Hesus si Pedro ay naghulog ng kanyang lambat at nasorpresa sa milagrong pagkahuli ng napakaraming isda. Ngayon, tayo naman ang dapat maghulog ng ating mga lambat sa kailaliman ng pamumuhay bilang Kristiyano, sa kailaliman ng ating buhay bilang isang simbahan, at sa hindi natin siguradong lalim ng kinabukasan. Ang Panginoon pa rin ang tumatawag sa atin. Tulad ni Pedro na may pananampalataya at tiwala, tayo ay mangahas na magsimulang muli. Sa tulong ni Maria, ang Bituin ng Ebanghelisasyon samahan nawa niya tayo sa ating paglalakbay upang maging isang bagong nilikha na tunay naman nating inaasam.
(Mula sa delegasyon ng Pangkalahatang Sanggunian Pampastoral sa pagpapanibago ng Simbahan.)

23

2002 – BEC NATIONAL ASSEMBLY (Nov. 11-15)
Holy Family Retreat House, Lahug, Cebu City
THEME: A Hard Look: At BECS: Dream or Reality
Objectives
1. To know what is really happening to BECs at the grassroots level
2. To face the challenges of BECs as ‘seeds of a new society’
3. To get affirmation and direction from Church leadership on the role of BECs in the Church of the Future.
Note on BECs and the Church of the Future by Bishop Quevedo
Many decrees of PCP II have not been implemented due to:
- weakness in formation and education;
- lack of defined diocesan pastoral directions and programs;
- defeciencies in structures.

2003 – 4th WORLD MEETING OF FAMILIES (Jan. 22-26)
THE CHRISTIAN FAMILY: GOOD NEWS FOR THE THIRD MILLENIUM GOSPEL
of FAMILY, GOSPEL of LIFE IN NEW EVANGELIZATION (Alfonso CardinalLopez Trujillo)

2004 -2005 Celebrating the EUCHARIST with MARY
The Holy Eucharist is the greatest treasure that the Church has on earth: It is
Christ himself.

2005 – 2nd BEC NATIONAL ASSEMBLY (September 19-22)
DECS-Ecotech Center, Lahug, Cebu City
Theme: Creating A Culture of Sustainability for BECS in the Philippines

2006 – SOCIAL CONCERN

2008 – YEAR OF ST. PAUL (Vatican City, January 21)
Pope said: May his example be an encouragement for everyone to accept the Word
of salvation and to translate it into daily life, in faithful discipleship of Christ.”

2008 – BEC SUFFRAGAN Conference (May 23-25)
Charles Borromeo Retreat House, Tagaytay City
Kapulungan ng mga Tagapagsulong ng BEC sa Probinsya Eklesiastikal ng Maynila
(Arkidiyosesis ng Maynila, Diyosesis ng Antipolo, Cubao, Parañaque, Novaliches,
Kalookan, Pasig, Imus, Malolos, San Pablo at Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa)

- Luzon North Regional Rural Congress ( June 4-6)
Supreme Hotel, Baguio City
Theme: “THE DIGNITY OF THE RURAL POOR: A GOSPEL CONCERN”

2009 – year of Two Hearts June 2009-2010 Year of the Priest

24

2008 – DIOCESE OF ANTIPOLO SILVER JUBILEE (June 25)

- 2ND NATIONAL RURAL CONGRESS (July 7-8)
San Carlos Seminary, Gaudalupe, Makati City
Theme: The Dignity of the Rural Poor – A Gospel concern”

LAHAT NG MANANAMPALATAYA MALIBAN SA MGA OBISPO/PARI/MADRE/RELIHIYOSO NA TUMANGGAP NG BINYAG AY KAISA SA SIMBAHAN NI KRISTO. SILA AY MAY IBA’T IBANG PAMAMARAAN NG PAKIKIBAHAGI SA PAGKA- PARI, PAGKA-PROPETA, AT PAGKA-HARI NI KRISTO. KABALIKAT TAYO (LAYKO) SA MISYON NI KRISTO SA BINUBUO NG SIMBAHAN SA BUONG DAIGDIG.

(Vatican II LG blg. 31, Ang Layko, Chapter IV)
25

HOW OLD IS YOUR CHURCH

IF YOU ARE YOUR CHURCH

An Iglesia Felix Manalo funded it in 1914 in the Phil.
A Pentecostal, e.g. Assemblies of God It was formally organized in HOT SPRINGS ARKANSAS, U.S.A. in 1914
An Aglipayan Ex-Catholic priest Gregorio Aglipay
Founded it in 1902 in the Philippines
A Jehovah’s Witness Charles Taze Russel founded in 1870
in Pennsylvania, U.S.A.
A Seventh Day Adventist It was formally organized in the U.S.A. in 1863
A Mormon (Latter Day Daints) Joseph Smith founded in Palmyr, New York 1829

Methodist John and Charles Wesley
Founded it in England in 1744
An Episcopalian Samuel Seabury broke from the Church of England and founded it in America in the 17th century
A Baptist John Smith launched it in Holland in 1606
A Congregatinalist Robert Brown started it in Holland in 1582
A Presbyterian John Knox founded it in Scotland in 1560
An Anglican King Henry VIII founded the church of England in 1534 because the Pope would not grant him a divorce with the right to marry again.
A Lutheran Ex-Catholic monk founded in 1517.
A Roman Catholic JESUS CHRIST the Son of GOD founded it in the year 33

PRAYER FOR THE CHURCH
God our Father,
By the promise you made in the life,
Death and resurrection of Christ your Son
You bring together in your Spirit,

From all the nations, a people to be your own.
Keep the Church faithful to its mission:
May it be a leaven in the world
Renewing us in Christ,

And transforming us into your family.
We ask this through our Lord Jesus Christ,
Your Son, who lives and reigns
With you and the Holy Spirit
One God, for ever and ever. Amen
26

Kayo ay mga “kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambayanan.
(Efeso 2:19)
I. PANIMULA
In June 1987, the Diocesan Pastoral Council was born. Under the set-up, there would be a Committee on Education as part of the WESTYVFLA. Problems arose due to overlapping of functions, and this let to the convoking of the First Diocesan Consultation in No. 1988. The most importang result of this convention was the formulation of the Diocesan vision: A Community of Disciples of the Risen Christ.
In 1989, the Second Diocesan Consultation was convoked by the Bishop to clarify the kind of understanding that shloud be given to the Diocesan Vision in relation to the existing Diocesan Commissions. Thus was born the term Ministry to replace Commission. And call for Evangelization towards the second millennium. (Synod of Antipolo Nos. 72 & 73)

II. ANG PAROKYA
558 Canon 515, par. 1 says: “A parish is a definite community of the Christian faithful established on a stable basis within a particular church; the pastoral care of the parish is entrusted to a pastor as its own shepherd under the authority of the diocesan bishop.”

559 Corollary to this concept of a parish is what the SYNOD OF BISHOP IN 1987 said: A parish “continues to be the customary place where the faithful father to grow in holiness, to participate in the mission of the Church and to live out their ecclesial communion.” As a result of this. “ a parish should be a dynamic Eucharist and evangelizing community of communities, a center which energizes movement, BASIC ECCLESIAL COMMUNITIES and other apostolic groups and nourished by them.”

III. PARISH PRIEST
Parish Priests are in a special sense collaborators with the bishop. They are given in a specific section of the diocese, and under the authority of the bishop, the care of souls. (Synod no. 328)

IV. MGA KATOTOHANAN NA DAPAT INGATAN SA UGNAYAN NG PARI
AT LAYKO (THE RELATIONSHIP OF THE PRIEST AND THE LAITY)

1. Lahat tayo’y tinawag sa pagbubuklod sa isa’t isa kay Kristo at lahat tayo’y nakikibahagi sa iisang misyon. Anumang pagkilos na nagwawasak sa kaisahan ng pagbubuklod at misyon ay hindi nagmumula sa Panginoon. Anumang pagkilos na nagmumula sa pagkamuhi o inggit o pagmamataas ay nararapat na iwaksi sapagkat ito’y hindi nakakatulong sa pagbubuo ng pagkakaisa.
2. Ang bawat kasapi ng simbahan ay kapatid sa Panginoon, anak ng Diyos, alagad ni Kristo, templo ng Espiritu Santo. Lahat ng binyagan, layko man, pari o maging relihiyoso ay nagtatamasa ng batayang pagkakapantay-pantay sa maka-kristiyanong dangal.
3. Sa kabila ng batayang pagkakapantay-pantay ay mayroon pa rin pagkakaiba-iba sa mga tinanggap na kaloob at paglilingkuran mula sa Banal na Espiritu Santo para sa paglilingkod sa isa’t isa ng mga kasapi at para sa kaganapan ng misyon ng simbahan. (1 Cor. 112: 1-11)

4. Hindi lahat ng katotohanan ay demokratiko. Ang malalim na pagninilay sa ilalim ng Banal na Espiritu Santo ay kinakailangan upang matuklasan kung alin sa mga pagkiling na ayon sa Mabuting Balita at ang kalooban ng Diyos sa isang tanging kalagayan.

27

5. Ang Pari ay hindi inilagay ng Sambayanan. Tinanggap niya ang kanyang kapangyarihan mula kay Kristo. Kinatawan siya sa Sambayanan ni Kristong Panginoon.
6. Ang Pari, dahil siya’y lingkod ng lahat ng tao ay nararapat na tumugon sa tunay na pangangailangan sa kanilang buhay-kristiyano. Hindi basta na lamang magigiit sa kanila ang kanyang nais at mga balakin bagkus ay nararapat lamang niyang saliksikin para sa kanila at kasama nila ang kalooban ng Panginoon para sa kanyang Bayan.
7. Ang Sambayanan ay tinawag sa paglago sa Kabanalan. Lalago lamang sa kabanalan kung sila’y malaya.
8. Bawat layko ay may karapatan at tungkulin sa Apostolado. Ang kanyang karapatan at tungkulin ay hindi maaaring alisin sa kanya, bagamat ang mga ito’y kinakailangan isabuhay sa kaisahan ng Iglesia.

The secret of good clergy-laity relationship is dialogue, a mutual understanding, listening. and talking in love, and possibly concensus and common action.This dialogue presupposes and builds up trust and love. PARISH STRUCTURES which will facilitate this dailogue should be established.Prayer groups, BECs meeting of the parish priest with the different parish organizations, Parish Pastoral Councils and even informal conversations with parishioners are example of structures of dialogue that easily come to mind.

Two (2) things in particular with regard to the Filipino Laity in their relationship with priests.
1. The laity must take seriously that the priest is both a man and a sinner like themselves. Hence, he can commit mistakes and sins.
2. That many Filipinos are more severe in dealing with Filipino priests than with foreign priests.
HALIMBAWA NG PARISH STRUCTURE (DEPENDE SA KURA PAROKO)

V. GAMPANIN NG MINISTRIES (Function)

CANON 747 – Canon Law concerning the teaching office of the Church. The following important function of the Ministry are: (Synod nos. 122-125)

(1) to assist the parish priest to come up with programs for better evangelization in the parish;
(2) to monitor programs and activities initiated by the bishop
and to evaluate the same for a more effective evangelization
(3) to coordinate activities and programs to ensure more
participation and involvement among the ranks of the
laity so that, with the parish priest, the parish
community would not only be an evangelized community
but also an evangelizing community.

VI. DIOCESAN / PARISH MINISTRIES

I. MINISTRY OF WORSHIP AND LITURGY

a. The Liturgical Ministry

Divine worship – the glorification of God and the sanctification of man – is the primary aspect of every religion. (Synod of Antipolo no. 52)
Areas of concerns of this ministry include all celebration of the Holy Mass, celebration of the sacraments and sacramentals and their preparations, bible services, particularly for the deceased, penitential and processions, fiesta, celebrations, blessings and enthronments, block rosary and adoration, and recently perpetual adoration devotion.
(Synod of Antipolo no. 56)

28

Under its wings are the following:
1. Lay ministers of the Holy Eucharist
2. Lector/commentator
3. Music Ministries
4. Ushers and Collectors
5. Knights of the Altar
6. Mother Butler Guild
7. Legion of Mary
8. Apostolado ng Panalangin
9. Ushers
10. Adoracion Nuctorna

b. Liturgical Renewal

Clearly, the first challenge for the Diocese is to put its act together, giving greater emphasis on liturgical renewal, strengthening the liturgical commission to enable it to implement with greater authority the liturgical norms of the Church. The clergy must be ready to sacrifice their personal preference for the sake of unity in liturgical practice.
Secondly, there is an urgent need to street to Filipino Catholics that whole of life must be an act of worship as St. Paul points out in his letter to the Romans. We cannot worship God in churches and shrines and then disregard Him in the daily business of our life.
Third, renewal of worship is a renewal of the prayer – our devotional practices, our personal prayer, our communal prayer, the official communal worship of that Church and our interaction with God.

II. MINISTRY OF EVANGELIZATION AND LAY FORMATION

With the creation of the Diocese of Antipolo on June 25, 1983, one of the first commission to be established for a more effective pastoral administration of the diocese was the Commission on Education and Catechetics, having taken into consideration the religious instructions that should be given priority in the new diocese.
In February of 1984, the bishop put up the Board of Catholic Education since the parochial schools were encountering several problems. And in July 1984, a Commission on Biblical Apostolates was established.

1. COMMISSION ON CATECHETICAL AFFAIRS
2. COMMISSION ON CATHOLIC SCHOOLS
-CATHOLIC SCHOOLS IN THE DIOCESE MAY BE DIVIDED INTO
(A) CONGREGATIONAL, (B) DIOCESAN, AND (C) PAROCHIAL
-DIOCESE OF ANTIPOLO CATHOLIC SCHOOLS ASSOCIATION (DACSA)
-MANILA ARCHDIOCESAN AND PAROCHIAL SCHOOLS ASSOCIATION (MAPSA)
3. COMMISSION ON BIBLICAL APOSTOLATES
(A) SUB-COMMITTEE ON BASIC BIBLE SEMINAR
(B) SUB-COMMITTEE ON LAY MINISTRY OF THE WORD
4. COMMISSION ON MOVEMENTS AND RENEWAL
-CURSILLO MOVEMENTS
-CHARISMATIC MOVEMENTS
FOR “THE PEOPLE OF GOD FINDS ITS UNITY FIRST OF ALL THROUGH THE WORD OF THE LIVING GOD. FAMILIARITY WITH THE BIBLE THROUGH PRAYERFUL USE AND STUDY OF IT SHOULD CHARACTERIZE THE CATHOLIC FAITHFUL, FOR AS ST. JEROME PUTS IT, “IGNORANCE OF THE SCRIPTURE IS IGNORANCE OF CHRIST.” (SYNOD NO. 119)

1. Patuloy na pagdalo sa mga seminar sa parokya o Diocesan
2. Ang pagkakaroon ng tamang katesismo sa mga nagiging ninong at ninang sa binyag at kumpil.
3. Ang lahat ng mga malalayong “public school” ay dapat magkaroon ng sariling katekista mula sa sariling lugar.
4. Ang mga malalayong paaralan at tahanan ay mapadalhan ng mga simpleng babasahin na makapagpapalawak sa pananampalataya.
5. Ang pagkakaroon ng “recollection” sa mga gurong pampubliko minsan sa isang
taon.
29

6. Ang pagkakaroon ng house to house visitation na gagawin ng mga organisasyon ng ating simbahan para sa ikauunlad ng pananampalatayang katoliko.
7. Ang patuloy na paghubog sa lahat at kung maaari ay magkaroon ng buwanang seminar na may inaayayahan na “speaker” o tagapagsalita.
8. Ang patuloy na pag-aaral, pagsasanay upang maibahagi ito sa pamayanan/komunidad.

III. MINISTRY OF SOCIAL & HUMAN DEVELOPMENT
(Social Action – Lk 4:16-19)
Our struggle to build the Kingdom of God is a pilgrim journey, a journey to truth and justice, to love and peace, a journey to full life.

VISION/MISSION STATEMENT

The Diocese of Antipolo Social Action Center strives to promote the integral development of the poor through the delivery of programs and services for the formation of different levels of ecclesial communities (family, neighborhood, parish, vicariate, diocese and BEC).
( SYNOD NO. 144)
PROGRAMS AND SERVICES OF THE MINISTRY ON SOCIAL AND HUMAN DEVELOPMENT FROM 1989-1992:

(1) Community Building
The goal of the Ministry is to form self-reliant, self-sustaining ecclesial community in the services of peace and justice towards total human development especially for the poor, deprived and oppressed. (Synod of Antipolo no. 145)

(a) Basic Ecclesial Community
“They are small communities of Christians, usually of families who gather together around the Word of God and the Eucharist.”
(PCP II no. 138, Synod no. 147)
(b) Livelihood and Cooperatives
(Synod nos. 150-151)
(c) Ecology (now Disaster ) (Synod no. 154, PCP II Art. 31 #1
(d) Alay Kapwa (Synod no. 160 )
(e) Relief and Rehabilitation (Synod no. 161)

IV. MINISTRY OF TEMPORALITIES

At the parish level, a parish finance committee is supposed to be established as stipulated in Canon Law,(no. 537). The body is distinct and separate from the Committee on Temporalities of the Pastoral Council. This Finance Committee helps the parish priests on matters pertaining to parish finances. (Synod no. 191)
• Magkaroon ng kooperatiba
Ang magkaroon ng buwanang pag-uulat tungkol sa pananalapi na natatanggap ng bawat samahan o kapilya.
• Ang pagkakaroon ng imbentaryo sa mga kagamitan ng simbahan at kapilya taun-taon.
• Dapat ilagay sa bangko ang mga nalilikom na pera ng mga samahan o kapilya na sakop ng parokya.
• Dapat magkaroon ng “financial transparency”.
• Dapat ipaalam sa kura paroko ang bawat gagawin ng “fund-raising” bago ito isagawa.

V. MINISTRY OF YOUTH
In Evangelii Nuntiandi, Pope Paul VI mentioned the young people as both beneficiaries and workers for evangelization when he said: “Circumstances invite us to
make special mention of the young…EN chapter VI. PCP II no. 384 realizes “that the youth are

30

among the most active in raising the social consciousness not only of their peers but also of their elders…(Synod nos. 206, 207). PCP II takes note of the mission of the youth. “Young people and children are truly the present and future of the Church…” Synod no. 210)
• Magkaroon ng out of school youth program.
• Pagkakaroon ng leadership training and formation seminar para sa mga kabataan lamang.
• Mabigyan pansin ang mga kabataan sa mga malalayong lugar para sila ay maging “functional” o kapakipakinabang.
• Magkaroon ng bahay ampunan para sa mga batang lansangan o street children.
• Magkaroon ng pondo o tulong pinansyal para mapag-aral din ang mga batang nasa lansangan o ampunan.
• Makapag-rekomenda na magkaroon ng mabuting hanapbuhay ang mga inaampon na mga bata matapos makapag-aral (vocational courses).
• Makapag-rekomenda na ma-rehabilitate ang sinumang kabataan na biktima ng droga at pang-aabuso
• Magkaroon ng summer outing, camping, sportfest, atbp. Para sa ikagaganda ng samahan ng mga kabataan sa parokya.

VI MINISTRY ON VOCATION

The PCP II no. 568 emphasis that “special attention should be given to the spiritual, intellectual, psychological, disciplinary and pastoral aspect of formation. (Synod no. 225) While the Vocation Minsitry is a very important aspect of the diocesan life, it is also understood that support in whatever form is needed by the workers and members to promote and increase vocations in the diocese…
(Synod of Antipolo no. 231).

• Bumuo ng isang grupo na tutulong sa mga mayroon bokasyon pagpapari at pagmamadre. Ang tulong ay maaari na pinansiyal o spiritual.
• Magkaroon ng palagiang “vocation campaign”.
• Magkaroon ng “special prayer” para sa mga pari at nagpapari tuwing PPC meeting o sa loob ng Misa.

VII. Ministry on Family Life

The family is meant by God to be the first school of discipleship where the parents are the first catechists of their children, and where all the members mutually evangelize each other. It is also the first school of evangelization where the members learn to share with others the grace and light of Chirst. It “ought to be a place
where the Gospel is transmitted and form which the Gospel radiates.” (PCP II, no. 576; EN, no. 71; Synod no. 232).
1. Magkaroon ng programa at kaalaman ang lahat ng pamunuan at mga kasapi ng PPC tungkol sa HIV.
2. Palakasin ang Pro-Life campaign. Ang buhay ay biyaya ng Diyos sa tao. Ang buhay ay dapat ingatan. No to abortion.
3. Magkaroon ng kasalang pambarangay o pangkapilya.
4. Magkaroon ng seminar tungkol sa family planning.

V. L A I T Y

1. Ang sinuman na mamumuno sa simbahan ay dapat na maging karapatdapat.
2. Ang layko ay dapat nakikiisa sa mga gawain sa parokya.
3. Bigyan ng suportang pinansyal ang mga laykong naglilingkod sa parokya.
4. Na ang bawat samahan ng simbahan ay magkaroon ng pakikilahok tuwing botohan upang magkaroon ng malinis na election (PPCRV).

31

5. Magkaroon pa ng maraming layko na handang tumulong sa ikauunlad ng gawain sa simbahan.
6. Ang layko ay dapat lamang humawak ng 2 posisyon o tungkulin sa paglilingkod upang lalo siyang maging epektibo sa kanyang mga gawain.
7. Gawin madalas ang mga pagsasanay ng ating mga layko tulad ng mga seminar, workshop, atbp. Na itinakda ng parokya at diyosesis.

Mga halimbawa ng gawain ng mga Organisasyon at Kilusan

Mga Napapaloob sa Worship na Samahan
1 .Legion of Mary – pamimintuho sa mahal na Birhen, naghihikayat magsimba, dumadalaw sa
maysakit, bilangguan at pagdala ng block Rosary o Fatima sa bahay-bahay.
2. Apostleship of Prayer – pamimintuho sa Kamahal-Mahalang Puso ni Hesus at Kalinis-linisan Puso ni
Maria at nananalangin sa mga patay, namumuno sa pagdarasal ng rosario bago mag-Misa.
Adoracion Nocturna –gawain nila ay mag-vigil, tumulong sa mga nasalanta.
3. Mother Butler Guild – nag-aayos ng altar, sacristy at mga gamit sa pagmimisa.
4. Knights of the Altar – server ng pari.
5. Lay Minister of the Holy Eucharist – katulong ng pari sa pagbibigay ng Commuion sa Misa at maysakit.
6. Choir – nangunguna sa pag-awit sa Misa at mga Pagdiriwang.

EVANGELIZATION & LAY FORMATION
1. Biblical Apostolate – pag-alam sa Biblia.Paghuhubog/Pagsasabuhay/Pagbabahagi
2. Katekista – pagtuturo sa mga bata sa paaralan at mga sakramento at doktrina.
3. Lay Minister of the Word – pagpapalalim sa pagkilala kay Kristo/Biblia.
4. Cursilio – pagkilala kay Kristo.
5. Charismatic – pagbukas sa Espiritu Santo.Pagtuturo at Paghuhubog.
6. El Shaddai – paglago sa pananampalataya
7. CLAYE – pagpapakilala kay Kristo (house to house)

SOCIAL SERVICE
1. Catholic Womens League – paglinggap sa mahihirap.
2. Knights of Columbus – tumutulong sa mahihirap.
3. Overseas Filipino Worker (OFW)
4. Disaster Management
5. Labor desk
6. Indigenous People
7. Ecology/ DRRM
8. Medical/Dental/Mission/Gift Giving
9. Human Rights/Justice & Peace
10. Migrant
11. Nutrition/Feeding Program
12. HIV-AIDS
13. Scholarship
14. Bigasang Pamparokya

TEMPORALITIES
1. Finance Council
2. Lahat ng treasurer sa Samahan/Organization at MPC ng chapel.

YOUTH
1. Parish Youth
2. Singles for Christ
3. Kids for Christ

VOCATION
1. Lahat ng gustong mag-pari, mag-madre o buhay relihiyoso.

FAMILY LIFE APOSTOLATE
1. Marriage Encounter – pagtuturo at paghuhubog ukol sa buhay pamilya.
2. Couples for Christ – paglago sa buhay may asawa.
IBA PANG CONCERN
Parish Pastoral Council For Responsible Voting (PPCRV)- pagtututro sa tamang pagboto at pagpili sa tamang kandidato.
32

VI. GAMPANIN ng LAYKO/BATAYAN NG APOSTOLADONG PANLAYKO
(PCP II Blg. 407, 408)
Binibigyan ng Konsilyo ng isang bagong pananaw ang pagiging laiko nang ilahad nito ang teknolohikal, sacramental, at pang-simbahang batayan ng Apostolado ng mga Laiko. Mula sa katotohanan ng kanilang pagkakabuklod kay Kristo na siyang ulo, dumadaloy ang karapatan at katungkulan ng mga laiko na maging mga apostol.
Binigyan linaw sa PCP II talata 408 na ukol sa pagbibigay kapangyarihan sa mga layko.
Ang apostolado ng layko ay isang banal na karapatan.
a. Si Kristo ang tumawag sa mga layko upang lubos na makilahok sa buhay ng iglesia at sa ganap na pagtatalaga ng sarili sa misyon ng iglesia.
b. Ang tawag na ito ay sa pamamagitan ng bisa ng binyag at kumpil.

VII. ANG PAROKYA AY BINUBUO NG MGA PAMILYA NA MAGKAKAPITBAHAY
SINABI NG DIYOS: “LOVE THY NEIGHBOR”

MSK MSK
pamilya pamilya
MSK MSK
Pamilia pamilya

MSK PAROKYA MSK
Pamilya pamilya

MSK MSK
Pamilya pamilya

PARISH PASTORAL COUNCIL———————> ARM ng PAROKYA
WESTYVFLA/MPC upang mapabilis ang pagkilos sa Organization/Kilusan ng bawat gawain o paglilingkuran.
MPC – Mini Pastoral Council …mangangalaga ng tao (kaluluwa) sa sitio o brgy.
• upang maramdaman nila sa kapitbahayan ang kapatiran
• upang mapadali at mapagaan ang pagpapastol sa komunidad
• kalingain at patatagin ang nasasakupan

• LAHAT tayo ay naririto ngayon kung ilang taon na naglilingkod sa PAROKYA dahil sa nakatagpo natin si KRISTO. Ang tanong.. Ilan na ang kaluluwa na naibalik natin sa Diyos?
33

PARISH PASTORAL COUNCIL
MSK MSK
WESTYVFLA
Organization Kura Paroko MSK
Kilusan Mini Pastoral Council
MSK

MSK

*Ang MSK/BEC ay ang pinaka-ugat ng parokya at ito rin ang tinatawag na MODELO ng Simbahan sa ating panahon.

*Ang layko ay Co-Worker ng Kura Paroko o tinatawag nating kamanggagawa at nagiging tagapag-ugnay ng tao sa kanyang kura paroko at sa pamunuan at mga ministry.

SALIGANG MGA SAMBAYANAN NG IGLESIA

Artikulo109. Dapat masigabong itaguyod ang Saligang Mga Sambayanan ng Iglesia na nasa ilalim ng iba’t ibang mga pangalan at anyo-mga BCC, Maliliit na Sambayanang Kristiyano, Maliliit na Pamayanan ng Mananampalataya, mga Pamayanan ng Tipan-alang-alang sa lubos na pagsasabuhay sa mala-Kristiyanong bokasyon sa mga lugar sa kalunsuran at lalawigan… (PCP II, p-273)

Artikulo 111. #1 Sa pagbuo ng mga BEC, ibibigay ang pinakamataas na prayoridad sa muling-ebanghelisasyon. (PCP II, p-274)

34

IBA’T – IBANG LARAWAN NG SIMBAHAN

35

Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat… At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. (Gawa 4:32-35)
I.PANIMULA
Bagamat mayroong PPC, MINISTRI, Organization at Kilusan na kumikilos at tumutugon upang magkaroon ng ganap na pagbabago at mapabuti ang kalagayan ng bawat pamayanan na nasasakop ng parokya. Ang tanging PANGUNAHIN at MAPAGPASYANG lakas na magtutulak tungo sa pagbabago ay kailangan magmula mismo sa pamayanan. Sapagkat ang mga tao ay siyang unang maapektuhan ng mga problema.
Ang mga kumikilos at tumutulong ay naroon upang SUMUPORTA lamang sa mga adhikain ng bawat pamayanan. Tinutukoy natin pamayanan, sapagkat ito ang pinakaugat at pinagmumulan o tinatawag nating pinakababa o grassroots ng parokya. Kung kaya’t mula sa kinalalagyang sitio,barangay hinihikayat tayo na magbuo ng MSK sa ating kapitbahayan.
Layunin ng Simbahan na bigyan anyo ang PANGARAP ng Diyos para sa tao na kanyang nilikha. Sa pamamagitan ng MSK/BEC nabubuo ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat tao. Nagkakaroon ng mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos, Simbahan/Parokya tungo sa pinagpanibagong ebanghelisasyon (renewed integral evangelization).

II. Mga katawagan o Pangalan na Pinagmulan ng BEC/MSK
1965 – Communidades Cristianes de Base (CCB) sa Latin America
Small Christian Communities (SCC) sa Africa
Gamay ng Katilingban Kristohanon sa Mindanao
1968 – Basic Christian Communities (BCC) hanggang maging Basic
Ecclesial Communities (BEC) na ginagamit sa mga Diyosesis.

BASIC – Maliit, maliliit, munti, batayan at simple o payak
ECCLESIAL – Pang-Simbahan (of the church)
Nagpapahayag at isinasakatuparan ang isang ganap na KALIGTASAN ng
tao. Pag-iisa ng misteryo ng Banal na Santatlo at ng binhi ng Bagong Bayan
ng Diyos na naglalakbay tungo sa isang KAGANAPAN NG BUHAY.
COMMUNITY- Mga pamilya, kapitbahay, kalugar, kasitio, kabarangay
Pangunahing kaugnayan – kaisahan, pagtutulungan, mas malalim, mas tiyak
may kamulatan at maligayang pamumuhay pang sambayanan.
May kabatiran at personal na pakikisangkot sa iisang pinapahalagahan,
may iisang pagtatalaga, iisang Misyon.
May paglago sa kapananagutan, dama ang pagiging bahagi ng sambayanan
sa bawat isa.

III. SA KALAGAYAN NG DIYOSESIS NG ANTIPOLO

MSK – Maliliit na Sambayanan Kristiyano
- Ang PAMILYA, binubuo ng mga pamilya kaya’t tinawag na maliliit.
- Binubuo ng mga PAMILYA na MAGKAKAPITBAHAY mula sa 6 hanggang sampu o higit pa na magkakakilala hindi lamang sa pangalan pati rin sa kalooban at ugali, ibig sabihin lubos ang kanilang pagkakilala sa isa’t isa.
- Ito ay ginagabayan ng Pari at pinamumunuan ng pinunong laiko mayaman at mahirap ay magkakasama at nagtutulungan.
- KAPITBAHAYAN nagbabahaginan ng Salita ng Diyos nagsasabuhay nito sa pamamagitan ng pagdadamayan at pagtutulugan.

36

- Bagong ANYO o MODELO ng Simbahan sa ating panahon “Pamamaraan ng BUHAY”
Ang BEC/MSK ay ang kabuuan ng isang buhay na realidad na nagpapahayag ng KABANALAN o mala-PARI, mala-PROPETA (pagsasabuhay) at maka-HARING (paglilingkod) Sambayanan na may pagkiling sa mga dukha at inaapi.

IV. THE PURPOSE OF THE BEC/MSK

The BEC/MSK is a way of renewing Church at the grassroots level, means of the faith of a believing people and through Jesus and his Spirit.
This new model of Church evolves little by little. It is at the grassroots level and from the grassroots level that this model of Church develops and where a new type of theological reflection emerges.
Constituting, as it does, the basic expression of the Church at the grassroots level, the BEC concentrates in itself all the fundamental elements of being church: faith, worship, communion, apostolicity, liberation & salvation.

V. Sa Kasaysayan ng Simbahan nagsimula ang MSK/BEC

1). Sa Biblia
Ang DIWA nito ay galing sa Unang Pamayanang Kristiyano (Early Christian Communities) hango sa Gawa 2:43-47).

Dahil sa maraming himalang ginawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsama-sama ang lahat ng mga sumasampalataya at para sa lahat ng kanyang ari-arian, ipinagbili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamahagi ayon sa pangangailangan ng bawa’t –isa. Araw-araw sila ay nagkakatipon sa templo nagpipirapiraso ng tinapay sa kanilang tahanan, at nagsalo-salong masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ang lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

Ipinakita ito ng unang mga alagad sa sarili nilang buhay. Bumuo sila ng isang pamayanan kung saan “nanatili sila sa aral ng mga apostol, sa pagkakaisa, sa paghahati ng tinapay at sa mga panalangin.” Sila ay “iisa sa puso at isipan” at pinagbahaginan maging ang mga ari-arian nila kaya’t wala sa kanila ang nasa kagipitan. (PCP blg. 90)

2). Ikalawang Batikano /Vatican Council II: Lumen Gentium
ANG SIMBAHAN blg. 9

Nakalulugod sa Diyos na gawin banal ang tao at iligtas sila hindi lamang bilang indibidwal na walang anumang pagkakabuklod kundi ang gawin sila na maging SAMBAYANAN.
37

3). Panlipunan Aral ng Simbahan (Social Teaching of the Church)
GAUDIUM ET SPES NO. 32: Ang Pastoral CONSTITUTION of the CHURCH IN THE MODERN WORLD

Hindi nilikha ng Diyos ang tao upang mamuhay ng hiwalay sa iba, kundi upang bumuo ng kaisahan sosyal. Gayundin naman, minarapat ng Diyos na gawin ang tao na banal at iligtas sila, hindi lamang ng isahan kundi bilang isang bayan na kumikilala sa kanyang kabanalan. Ito ang sama-samang katangian ay yumayabong at nagaganap sa mga gawain ni Hesukristo.

4). PCP II talata 138

Maliliit na pamayanan Kristiyano kadalasan mga mag-anak na sama-samang nagtitipon sa paligid ng Salita ng Diyos at Eukaristiya. Nakabuklod sa Kura Paroko ngunit regular silang pinaglilingkuran ng pinunong layko. Kilala ng kasapi ang bawat isa sa pangalan, pinagbabahaginan hindi lamang ang Salita ng Diyos at Eukaristiya kundi pati na rin ang kanilang alalahanin material at espiritual. Mayroon din silang matinding pagdama sa pananagutan para sa isa’t-isa. Mulat na nagsisikap ang mga BEC, na karaniwang nagmumula sa pinakaugat ng mga antas ng mga maralitang magsasaka at manggagawa na pagsamahin ang kanilang mananampalataya humihimok sa kanilang mga kasapi sa pakikiisa sa isa’isa, pagkilos para sa katarungan at tungo sa isang masiglang pagdiriwang ng buhay liturhiya

Binibigyan diin ang mag-anak na nagkakaroon ng bahaginan ng Salita ng Diyos, pagdalo sa Banal na Eukaristiya at mga problema sa mga material na bagay. Tinitingnan dito ang pagsisikap na ganap na pag-unlad at pagbabago ng bawat pamilia sa lipunan.
Sumusulong sa pananampalataya ang isang Kristiyano sa loob ng isang pamayanan. Isa-isa tayong tinatawag, at dapat magbigay ang bawat isa ng personal na tugon. Datapwat tinatawag tayo ni Kristo upang bumuo ng isang pamayanang Kristiyano. Nais Niyang maging “isang pakikipagkaisa ng buhay, pag-ibig, at katotohanan’ ang Iglesia, isang pamayanan ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. (PCP II blg. 89)

5. Katesismo sa Pilipinong Katoliko

1427 Munting Simbahang Pamayanan.
Kailangang makita ng mga Pilipinong Katoliko na ang Misyon ng Simbahan at ang lahat ng kanyang ministeryo ay tuwiran para sa paglilingkod sa Kaharian ng Diyos. Bukod sa pangunahing gampanin ng ebanghelisasyon sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos, ang paglilingkod na ito’y nangangahulugan ng pagtataguyod ng mga pamayanan, mga Simbahan local, at pagbubuo ng Munting Simbahang Pamayanan na siyang nagiging mga sentro para sa Kristiyanong paghubog at misyonerong gawain (Rmi, 51). Sa pamamagitan ng pagsilang ng Ebanghelyo sa kulturang Pilipino, nagiging paraan ang mga pagpapahalagang ayon sa Ebanghelyo, at sa paglilinaw ng aspetong nakatuon sa mga huling araw na kaugnay ng pang-araw-araw na buhay

VI. ANG TATLONG ANTAS NG MSK/BEC SA KANYANG PAGSULONG

1. LITURGICAL o PANGLITURHIYA ( Gawain Pagsamba at Pagpapakabanal)

Sinisikap nito na maging regular ang kanilang pagpupulong sa pamamagitan ng:
38
- Pagdalo sa Banal na Misa at Pagsimba tuwing Pistang Pangilin, Pagbabahaginan ng Salita ng Diyos hal. MSK prayer meeting,Gawarasal, Bibliarasal, kapatiran na ginaganap sa kapitbahayan.
- Street Mass sa mga kalsada/Misa sa mga Chapel
- Communion Service sa mga chapel
- Block Rosary o Fatima sa kapitbahayan
- Pagdiriwang ng Estacion ng Krus (Lenten season)
- Mga Nobenas/Vigil
- Mangumpisal sa loob ng isang taon (Lenten and Advent season)

2 .DEVELOPMENTAL o PAGPAPAUNLAD
(Gawain Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kahubugan)
Dahil sa regular na pagpupulong nagkakaroon ito ng bunga tulad ng pagiging bukas, nagkakaroon ng alalahanin personal, mga problema ay nadadama ng mga kasapi. Kaya ang mangyayari sila ay nag-aaral at nagbabahaginan/nagsasanay sa pamamagitan ng: (nakikita rito na kulang pa ang kanilang karunungan sa Salita ng Diyos)
- pag-aaral tungkol sa mga doktrina ng Simbahan (Social Teaching)
- pag-aaral sa Biblia
- pag-alam sa pangkabuhayan at ang buhay pananampalataya (pangangailangan ng katawan)
- Pagdalo sa mga gawain pang-simbahan katulad ng mga seminars:
a. MSK seminars/ Katekesis / retreat/recollection/fellowship
b. Catholic Life in the Spirit Seminar
c. Basic Bible Seminar 1,2
d. Discipleship seminar
e. LMW
f. CLP
g. Livelihood seminars
h. Nutrition/feeding program
i. Ecological Waste Management (Materials Recovery Facilities o MRF)
j. At maraming pang iba.
3.LIBERATIONAL o PAGPAPALAYA (Paglilingkod/Pakikisangkot)

Pinag-uusapan na nila ang pagbabago at pagpapaunlad sa kanilang sambayanan, dahil ang bawat isa ay BUKAS NA-tinatalakay at binibigyan ng solution ang mga problema katulad ng sumusunod:
- usapin sa basura
- pagtulong sa maysakit o namatayan
- pagsugpo sa drug addiction
- pagdalaw sa bilangguan
- pagkalinga sa matatanda/at kabataan (street children)
- medical at dental mission/ circumcision
- pagsugpo sa kahirapan at sinisiil sa lipunan

VII. PAPEL NG SAMAHAN AT KILUSANG PANGSIMBAHAN SA MSK/BEC

Ang mga kasapi ng MSK/BEC ay maaaring dati nang kasapi sa mga iba’t ibang
organisasyon sa parokya. Malaki ang maitutulong ng mga Samahan o Kilusan sa BEC. At kapag naitatag na ang MSK/BEC sa parokya mapapagaan ang paghuhubog ng mga kasapi o lahat ng binyagan sa bawat kapitbahayan, sitio, barangay. Lahat ng KARISMA na Samahan o kilusan ay dapat ibahagi sa kanilang nasasakupang pamayanan. HINDI KAILANGAN MAGKUMPETENSIYA ang bawat organization o samahan. Hal. Ang M.E. O CFC sila ang nagtuturo tungkol sa buhay magasawahan. Gaya din ng ibang samahang . IISA LAMANG ANG PANGINOON PINAGLILINGKURAN natin lahat ngunit iba-ibang ang gawain. (1 Cor 12:4-11)

VIII. HAKBANG SA PAGBUBUO/ PAG-OORGANISA NG MSK/BEC

1. Pagsusuri’t, pagsisiyasat/pag-aanalisa ng kalagayan ng pamayanan.
Iba’t –ibang paraan:
a. pakikipagbayanihan
b. pagbisita sa bahay o sa tirahan ng mga tao
k. pagkuha ng datus sa lugar (hilaw at lutong datus)
d. tuwirang pagtira o pamamalagi sa lugar

39

2. Pangangalap ng kontak at pagbubuo ng Core Group/grupong Ubod.
Habang isinasagawa ang pagsusuri at pagsisiyasat sinisimulan na rin ang
pagtukoy at paghimok ng kalooban ng mga potensyal na lider sa pamayanan.

DAPAT TANDAAN:
A. Ang pamumuno sa pamayanan ay hindi dapat ipagkatiwala sa iisang tao sapagkat wala sa iisang tao na may kumpletong katangian at kakayahan.
B. Itinataguyod din natin ang pagpapalakas ng tao at hindi ito magaganap kung walang grupong mabubuo.
C. Ang mga lider na ito ay magkakaroon ng kanya-kanyang gawain na magiging dahilan upang silang lahat ay matututong kumilos at maaaring mapalago ang kanilang kakayahan.

3. Paghuhubog/Pagsasanay/Pagpapalakas ng core group/grupong ubod.
Bahaging binibigyan ng diin sa paghuhubog:
a. Ang pagpapatalas ng isip, kakayahan magsuri at kaalaman sa pag-oorganisa sa pamumuno, oryentasyon sa MSK/BEC at iba pang paksa na makakatulong sa paghihikayat ng tao tulad ng kaalaman sa Biblia, mga nangyayari sa kapaligiran (currents events at iba pa).
Ang pagpapalalim ng diwa na maka-Diyos, maka-tao at maka-Pilipino. Ang lider ay dapat na
maghangad na maging ganap na tao. Handang kilalanin ang kanyang mga kalakasan at
kahinaan, mapawi ang kanyang mga kahinaan na dulot ng mga masasakit na karanasan sa
nakaraan, mga di wastong ugali na hinubog ng kanyang pamilya at kapaligiran at bukas na
tuklasin at ipaloob ang pinakamarangal na adhikain at asal ng isang Kristiyano.
40
b. Ang pagsasanay sa mga kakayahan upang maging epektibo sa pagpapaliwanag, paghihikayat at pagpapakilos ng mga tao. Sakop nito ang mga pagsasanay tungkol sa:
• PAKIKIPAGKUWENTUHAN – pakikinig sa iba’t-ibang antas ng mensahe
ng mga tao, pagpili ng mga salita na malinaw at angkop sa anumang
grupo at sitwasyon, pagsasalita sa harap ng grupo.
• PAGSUSURI – ng mga bagay-bagay, pagiging kritikal sa mga sinasabi
ng tao at ng mga tanda ng panahon.
• PAGLULUTAS – Proseso ng paglulutas ng problema na kasama ng mga
tao.
• PAKIKIPAG-UGNAYAN – sa iba’t-ibang grupo, organisasyon o ahensya
na mayroon kinalaman sa mga usapin sa pamayanan.

4. Pagtatayo ng MSK /BEC
Maaaring ang grupong – ubod o core group na nahubog ang makakatulong sa pagbubuo ng MSK/BEC. Maaaring magsimula muna sa 7 hanggang 10 pamilya na magkakapitbahay o higit pa.

5. PAGPAPANATILI AT PAGPAPALAGO NG MSK/BEC
Tungkulin ng grupong-ubod/ core group na pakilusin ang mga tao sa iba’t-ibang pamamaraan upang matugunan nila ang kanilang mga pangangailangan at matupad ang hangarin sa buhay.

XI. MAY SARI-SARING PAMAMARAAN SA PAGPAPANATILI AT PAGPAPALAGO NG MSK/BEC.

a). SA PAMAMAGITAN NG MAKAHULUGANG MGA LITURHIYA
Ang simbahan ay may kalendaryong pangliturhiya A,B,K, na sadyang mayroong mga kalakip na mensahe at pagdiriwang kung saan ang tao ay maaaring magtipon sa isang makabuluhang pagsamba. Kung mapagplanuhan ang mga ito, mainam na daluyan sila para sa pagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “SIMBAHAN ay TAYO, HINDI ANG GUSALI”. Gayundin ang lingguhang Misa, debosyon, mga pagdiriwang adbiento, kuwaresma at iba pa.

b). SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWAIN PAGHUBOG AT PAG-AARAL
Ang bawat pamayanan ay mayroong pangangailangan na dapat tugunan. Upang matugunan nila ang mga ito, mahalaga na mayroon silang mga angkop na kaalaman at kakayahan.Hal. maaaring magdaos ng isang maikling pag-aaral tungkol sa pananampalataya, o di kaya sa kalusugan at kalinisan o sa anupaman maiinit na usapin. O dili kaya’y magdaos ng BEC/MSK oryentasyon sa sitio/purok.

k). SA PAMAMAGITAN NG MGA PAGBIBIGAY NG PANGLIPUNANG SERBISYO SA PAMAYANAN.
Sa ibang mga lugar ang unang binabalak ng grupong ubod/ core group ay ang dental at medical misyon/ nutrition/feeding program.. Upang maipakilala ang grupo at ang adhikain na kanilang itinataguyod, sa pangmaramihang pagtitipon ng maraming tao na kanilang pinapaliwanagan at sinesirbisyuhan.

d). SA PAMAMAGITAN NG PAGHARAP SA ISANG ISYU SA PAMAYANAN.
Kung problema ang hahanapin, hindi mawawala ito sa isang pamayanan. Ang mahalaga sa umpisa ay dapat payak lamang na suliranin ang haharapin. Hal. Ang madaling harapin ang usapin ng kalinisan kaysa drug addiction, pagtatayo ng Day Care Center o ng masyadong mataas na presyo sa mga sari-sari store kaysa sa pagtaas ng presyo ng langis.
Sa umpisa pa lamang, tandaan na mahalaga ang maliliit na tagumpay kaysa sa sunud-sunod na pagkabigo lalo na kung masyadong malaki ang problemang hinaharap simula pa lamang.

ANG MGA GAWAING ITO AY DI NATIN LUBOS NA MAUUNAWAAN KUNG HINDI NATIN ITO MARARANASAN. SAPAGKAT KASABAY NG PAG-AARAL LUBOS NATIN MAUUNAWAAN ANG PAGBUBUO KUNG ISASAGAWA NATIN ANG PAGBABAD SA PAMAYANAN. SA KANILANG MGA KARANASAN AY KAILANGAN ANG PAGLALAAN NG ORAS AT MAKIPAMUHAY SA PAMAYANAN. KUNG ITO AY SUSUNDIN ANG PINAKAMAIKLING PAG-AARAL AT PAGSASANAY AY MAYROONG PITONG BUWAN.

41

PAGBUBUOD
Layunin ni Hesus na bigyan anyo ang Pangarap ng Ama para sa tao sa pamamagitan ng malawakang pagbuo ng kanyang Sambayanan.

PAGKILOS

Sa ating ginawang pagtalakay, mabuting suriin natin ang ating sarili:
1. Tayo ba’y handang makisangkot sa malawakang pagbubuo ng MSK?
2. Anong uri ng pakikisangkot ang maaari nating maibigay sa gitna ng maraming pangangailangan?
3. Ano ang ating tunay na layunin sa pakikisangkot?

Matapos pagnilayan ang mga katanungang ito, maaaring magbalangkas ng plano sa paanyaya na magbuo ng MSK. Ang mga naunang pagtalakay ay maaaring makatulong sa pagbabalangkas ng plano.

BASIC ECCLESIAL COMMUNITIES

“The Basic Ecclesial Communities are a sign of vitality within the Church, an instrument of formation and evangelization, and a solid starting point for a new society based on a ‘civilization of love”’.
(John Paul II in Redemptoris Mssion, art. 51)
********************
“In some areas, a form of Christian community living has developed which is turmed as “Basic Christian Community”… These small communities operating at a still lower level than the Parish, allowing for even deeper human and Christian fellowship, are the most fundamental ecclesial realities”.
(Federation of Asian Bishops’ Conference Colloquium on Ministries, 1977)
*********************
“The Christian communities we are trying to build are simply the most local incar nation of the One, Holy, Catholic and Apostolic Church. Small Christian Communities are the means by which the Church is brought down to the daily life and concerns of people where they actually live. In them, the Church takes on flesh and blood in the life situations of people”.
(Association of Member Episcopal Conference in Eastern Africa, 1979)

*******************
“Our vision of Church as communion, participation, mission, about the Church as priestly, prophetic and kingly people and as a Church of the poor – a Church that is renewed – is today finding expression in one ecclesial movement. This is the movement to foster Basic Ecclesial Communities”. (Acts & Decrees of PCP II, # 137).
******************

42

LAYUNIN:
1. Magkaroon ng kaalaman sa paggawa ng plano para maayos ang mga gagawin sa
pagbubuo ng MSK/BEC.
2. Magkaroon ng kasanayan sa paggawa ng plano.
3. Makapagbigay ng konkretong plano/gabay tungo sa pagsusulong ng
MSK/BEC.

MGA KAILANGAN:
Manila paper, pentel pen at masking tape.

DALOY NG PAGTUTURO: Lecture/Workshop

I. PAGPAPALIWANAG

A. KAHULUGAN
Ang pagpaplano ay ang pagpapasya sa simula pa lamang kung ano ang gagawin, papaano, kailan at pagtitiyak ng lahat ng nakaplano ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagtatakda ng sukatan ng paggawa o standard of performance.
Ito rin ang proseso ng kolektibong isinasagawa sa pagbubuo ng maayos at sistematikong paghahanda sa pagpapatupad ng mga gawain.

B. KAHALAGAHAN NG PAGPAPLANO
1. Pagtiyak na ang lahat ng gawain/aktibidades/pagkilos ay tungo sa pagkakamit ng layunin
ng samahan/ grupo.
2. Makapaglatag ng angkop na pamamaraan sa pagsasagawa ng mga gawain, masinop sa
pagmomonitor at pagkokontrol nang sa ganoo’y magkaroon ng mahigpit na
koordinasyon ang mga aktibidades sa bawat bahagi/kahon/yunit ng samahan o grupo.
3. Batayan gabay sa pagbibigay ng direksyon.

K. MGA KAILANGAN BAGO MAGPLANO
1. Oryentasyon ng samahan/grupo/organisasyon.
2. Resulta ng pagtatasa/paglalagom ng mga nakaraang gawain.
a. malaman ang mga gawain/gabay na kailangan pa upang paunlarin.
b. Makita/malaman ang mga problema o mga kahinaan.
c. Makita/malaman ang mga kalakasan.

II. URI NG PAGPAPLANO

1. Estratehikong pagpaplano (strategic planning)
Ito’y proseso sa pagpapasya ng layunin/programa/gawain/aktibidades ng samahan at pagtatalaga, pagtutukoy ng mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng plano. Tinitiyak din mayroong patakaran bilang gabay sa pagsasagawa ng mga napagkaisahang plano tungo sa pagkakamit ng naitakdang layunin.

2. Pagpaplano sa pagkokontrol sa pangangasiwa
Ito’y proseso na kung saan ang nangangasiwa/namamahala ay tinitiyak na ang nakatalagang mapagkukunan (resourse) ay ginagamit na mahusay at epektibong paraan tungo sa pagsasakatuparan ng mga nakalatag na gawain.

3. Pagpaplano sa aktuwal na pagpapatakbo
Ito’y isang proseso upang matiyak na ang mga partikular na mga gawain o aktibidades ay mahusay at masinop na isinasagawa. Dito ang presentasyon ng plano ay detelyado o lahat ng mga kaparaanan ay inilatag upang madaling masundan.
43

III. PROSESO NG PAGPAPLANO

A. PAGBUBUO/PAGTATAKDA NG LAYUNIN (setting-up of objectives)

Pamantayan sa pagtatakda ng layunin:
1. Ang layunin ay dapat na may malawak na saklaw ngunit hindi sobrang
napakalawak na tipong hindi na ito lapat sa lupa at malayo sa katuparan.
2. Ang layunin ay dapat magsilbing gabay sa pagsasagawa/pagsasakatuparan ng
mga inihanay-hanay na gawain tungo sa binabalak ng samahan/grupo.
3. Ang layunin ay dapat na makatotohanan sa usapin ng panloob na kakayahan at
panlabas na kalagayan.
4. Ang layunin ay dapat nakaayon sa batayang katangian/hangarin at batayan ng
pagkakaisa ng samahan.
5. Ang layunin ay kailangang naka-prioridad at nakatala sa plano ng samahan.

IV. DALAWANG URI NG LAYUNIN NG PAGPAPLANO

1. Pangkalahatang Layunin – ito’y nagsasaad kung ano ang gustong kamtin ng
samahan at may katangiang tuloy-tuloy o pangmatagalan.
2. Partikular na Layunin – ito’y nagpapahayag ng partikular o konkretong gabay
kung ano ang dapat gawain sa takdang panahon.

V. DAPAT NA ISAALANG-ALANG SA PAGSASAGAWA NG LAYUNIN:
S M A R T formula:
S—-specific
May partikular na layunin/tiyak na matatamo
M—-measurable
Masusukat ang mga gawain sa minimum at maximun
A—-attainable
Matatamo ang resulta sa bawat gawain
R—-realistic
Makatotohanan ang pamamaraang gagamitin
T— Time bounded-may oras ba sa mga gawain/panahon na
gugugulin

B. PAGTATAKDA /PAGTITIYAK NG KAPARAANAN (means)

Ang pagtatakda ng kaparaanan ay ang pamimili ng angkop na patakaran, istilo at hakbang-hakbang na pamamaraan na magiging gabay sa pagsasagawa ng mga gawain tungo sa pagkakamit ng partikular, pangkalahatang layunin at hangarin ng samahan/grupo.

K. PAGTATAKDA NG MAPAGKUKUNAN (resources)

Ito’y pagtatalaga ng mga kinakailangang elemento katulad ng tauhan, pinansyal at iba pang kagamitan sa pagsasakatuparan ng mga aktibidades/gawain ng samahan/programa.

D. PAGREREPASO NG PLANO (review)

Ito’y pagbabalik-aral ng lahat ng nakaplano ay kayang isagawa tungo sa pag-abot/pagkamit ng naitakdang layunin.

44

PORMAT NG PLANO
PAROKYA; ____________________________
KURAPAROKO: _____________

Pangkalahatang Layunin:
Partikular na Layunin 1.
2.

Gawain Lugar Tagapamahala Kailan/Oras Gastusin Inaasahan
Bunga

VI. WORKSHOP/ PAGGAWA NG PLANO
1. Magkaroon ng maliliit na grupo para sa paggawa ng plano.
Kung sa parokya gagawin ang pagpaplano puwedeng kada MPC, Samahan o Organization.
2. Pag-uulat
3. Critiquing
4. Paggawa ng sariling plano sa kanyang komunidad

VII. PAGLALAGOM AT PAGPAPALALIM
Ang paggawa ng planong gawain ay dapat natutugunan upang ito’y maging mabunga sa paglilingkod. Huwag sayangin ang panahon para lamang makagawa. Subalit kung gugugol ng oras para maliwanag ang palilingkod, gawin itong may pagmamahal at pananalangin sa araw-araw.

VIII. KATANGIAN NG MAAYOS NA PLANO
A. Kailangang magkakaugnay ang layunin, program/serbisyo, kaparaanan at mapagkukunan:
Halimbawa:
LAYUNIN
Partikular
Pangkalahatan
MAPAGKUKUNAN PROGRAM/SERBISYO
Mga tauhan kongkretong programa at
Budget pampinansyal serbisyo ng samahan
KAPARAANAN
Patakaran
Pamamaraan
Sistemang gagamitin
Pagsasakatuparan ng
Pamamaraan

B. Ang mga nakalatag na gawain ay kayang isapraktikal tungo sa pagkakamit ng layunin.
C. Kailangan ay may sapat na mapagkukunan upang magamit sa pagsasagawa ng mga gawain ng kasapi.
D. Kailangan ang mga tauhang naitalaga sa mga partikular na gawain ay may sapat na kakayahan o kasanayan.
E. Kailangan ay may sapat na budget upang maisagawa/maisakatuparan ang mga naitakdang gawain sa plano.

IX. PAGTATAKDA NG PAGTATASA (Evaluation)

Kailangan mag-takda kung kailan ang pagtatasa para malaman o makita kung ang gawain ay maayos na naisakatuparan. Maaari muling magplano para sa ikatutupad ng pangarap na gawain.

45