BEC St. John the Baptist, Taytay, Rizal

Diocese of Antipolo :

Masasabing tagumpay ang BEC mismong Pari, PPC, WESTVYFLA, mga religious organization, kilusan sa Simbahan ang kaisa sa pagbubuo nito. Isa sa magandang konkretong BEC ay ang St. John the Baptist, Taytay, Rizal. Kung saan ang pari mismo ang bumababa sa laylayan ng parokya kasama ang mga PPC. Patuloy na pagkuha nga mga lider sa mismong lugar na binibigyan. Ang mga nasa Ministries, samahan, kilusan ay siyang nag-evangelized sa nasasakupan nilang mga lugar (barangay, sitio, purok o mission area) ditto nila naibabahagi ang aknilang mga natutunan (karisma) sa mga pag-aaral ng isinasagawa sa Diocese at Parokya. Ang Parokyang ito ay Up-date sa lahat ng pag-aaral o seminar, National man o pang-Diyosesis.

Ang kanilang mga samahan/religious organization, kilusan ay may kani-kanilang Mission Area na tinatawag na KAPATIRAHAN SA KAPITBAHAYANAN. Nagkakaroon silang buwanang Misa, sama-sama ang lahat upang maging malalim ang pagkilala sa bawat isa (lider o kasapi nito).

Mayroon din silang pag-aaral okol sa maliliit na pangkabuhayan katulad ng Dress Making, electronic, cooking at maraming pang iba. May libreng kabaong para sa mahihirap. Pagdami ng mga boluntaryong doctors sa pagsasagawa ng Medical & Dental Mission sa parokya. Paglikha ng libreng gamutan tinatawag na Botika sa Parokya. Panahon ng election maraming volunteers sa PPCRV. Kapag nanawagan ang simbahan kailangang ng 300 na cavans of rice agad natutugunan. Isa sa ginawa ng mga MSK noong nagkaroon demolisyon na naganap sa kanilang lugar mismo, nagkaroon ito pag-uusap sa pamamagitan ng pari, may-ari ng lupa at pamahalaan.